^

PSN Showbiz

Lola ni Deniece na panay ang patutsada, biglang naduwag

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Very imaginative ang mga Pilipino na  sumusuporta sa laban ni Vhong Navarro. Nang sumuko si Bernice Lee sa NBI agents noong Lunes, nakaisip agad ng title ang supporters ni Vhong.

 â€œDa Posas” ang sabi nila patungkol kay Bernice at galing ‘yon mula sa title ng pelikula ni Vhong na Da Possessed.

Mag-expect tayo ng iba pang salita na maiimbento ng supporters ni Vhong kapag isa-isa nang nahuli ng mga may kapangyarihan ang mga sangkot sa kaso ng serious illegal detention.

Waiting din ang lahat sa mga sasabihin ni Florencia Cornejo, ang lola ni Deniece na  hindi nauubusan ng  mga pasaring laban kay Vhong na pinagbibintangan niya na dumisgrasya sa kanilang pamilya.

 

Direk Mendoza natapos na  ang marine ... project ni Sen. Loren

Natuloy kahapon sa National Museum ang launch ng bagong project ni Senator Loren Legarda, ang Philippine Marine Biodiversity video documentary na joint project nila ng direktor na si Brillante Mendoza.

Nang magpunta kami noong nakaraang buwan sa ancestral house ni Mama Loren sa Malabon City, inimbita na niya ako sa launch na nangyari nga kahapon.

Hindi ko makakalimutan ang excitement ni Mama Loren habang nagkukuwento tungkol sa project na sari­ling concept niya.

Tuwang-tuwa si Mama Loren dahil pumayag ang mahusay na underwater vi­deographer na si Robert Suntay na gamitin ang mga video nito sa documentary na mapapanood sa mga sinehan.

Non-profit ang project ni Mama Loren. Ginastusan at pinagpaguran niya ang documentary video tungkol sa marine life ng ating bansa para sa kapakanan ng mga Pinoy na binabale-wala ang mga likas na kayamanan na matatagpuan sa karagatan.

Malinaw ang mensahe na gustong iparating ni Mama Loren sa lahat, ang wakasan na ang exploitation sa ating marine life dahil darating ang araw na wala nang mapapakinabangan ang mga kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan.

Sa mga gustong mapanood ang documentary video, namimigay ng libreng DVD copies ang opisina ni Mama Loren. Mapapanood din sa Youtube ang Philippine Marine Biodiversity video.

 

Bernice Lee ligtas sa illegal detention

Hindi pala kasali ang pangalan ni Bernice Lee sa mga ipinapaaresto dahil sa serious illegal detention case na isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanyang kapatid na si Cedric at mga kasamahan nito.

Pinag-aaralan pa ng Department of Justice kung dapat kasuhan si Bernice ng serious illegal detention na isang non-bailable offense.

Hinuli si Bernice ng NBI agents sa bahay niya sa Greenhills noong Lunes at para sa warrant of arrest sa grave coercion ang dahilan ng pagdakip sa kanya.

Kusang-loob na sumama si Bernice sa NBI agents. Composed na composed siya as in hindi siya naging hysterical or whatever. Nakabibilib ang pagiging kalmante ng kapatid ni Cedric.

Nadamay sa kaso si Bernice dahil ang sabi niya, friend siya ni Deniece. Kasama si Bernice sa mga nakita sa CCTV footage nang gabing bugbugin si Vhong ng kanyang kapatid. Pinakawalan na si Bernice kahapon, pagkatapos magpiyansa ng P12,000 para sa grave coercion case at sa kanyang temporary liberty.

Chito Roño masaya sa kinahinatnan ng kaso ng ‘Anak’

Happy si Chito Roño sa mga nangyayari sa kaso ni Vhong Navarro. Si Chito ang manager ni Vhong at parang tunay na anak ang trato niya sa huli.

Affected na affected si Chito sa ginawa kay Vhong ng grupo ni Cedric Lee pero nabuhayan na siya ng pag-asa dahil sa mga bagong development, ang warrant of arrest para sa  mga umabuso sa kanyang alaga.

Nakatutok si Chito sa lahat ng mga kaganapan. Basta may kinalaman sa kaso ni Vhong, updated siya. Aligaga nga si Chito sa pag-share sa social media ng mga news report tungkol sa pagtugis ng NBI sa grupo nina Cedric at Deniece.

BERNICE

BERNICE LEE

CEDRIC

CHITO

CHITO RO

MAMA LOREN

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with