Doris, makikipag-showdown sa Mini Me
MANILA, Philippines - Sikat ang Ponciana’s Kitchen sa mga ulam at meriendang tatak Novo Ecijano. Hindi magarbo at turu-turo ang estilo ng pag-oorder dito ngunit paÂyak man sa paningin ang restaurant, P1 milyon ang kinikita nito kada buwan.
Isasalaysay ni Karen Davila ngayong Miyerkules (Apr 23) sa My Puhunan kung paano sinimulan at napalago ni Cecilia Macainag, 74, ang Ponciana’s Kitchen na nagsimula lamang sa pagtitinda niya ng halo-halo at palabok sa labas ng kanilang bahay.
Ilang buwan na noong hindi nakakabayad sa upa ng kanilang tinitirahang apartment ang pamilya ni Cecilia, kaya naman sinangla niya ang kanyang singsing at hikaw sa halagang P1,000—hindi upang ipambayad sa upa kaagad—kundi upang simulan ang kanyang munting negosyo. NgaÂyon, may apat na branches na ang Ponciana’s.
Ano nga ba ang sikreto ng tagumpay ni Cecilia at ano ang maipapayo niya sa mga gustong magnegosyo?
Mula sa pagtatampok ng mga matatagumpay na negosyante sa programa, nagsimula nang magbigay ng barangay caravan ang My Puhunan sa UP Diliman campus, kung saan tinuruan ang mga nanay na nakatira rito ng pangkabuhayang maaari nilang pagkakitaan gaya ng beadwork at pagluluto ng maja blanca.
Kwelang Mutya ng Masa naman ang dapat na abangan ngayon (Apr. 22) sa paghaharap ng anchor na si Doris Bigornia at ang mini Doris BigorÂnia na si Rere na sumabak sa Mini Me contest ng It’s Showtime. Sa edad na anim, alam na niya ang capitals ng maraming bansa. Ano kaya ang mangÂyayari kapag nagkaharap ang dalawa?
- Latest