Sen. Bong at Hayden, ayaw pag-usapan ang kanilang pagbabati sa Holy Land!
PIK: Pagkatapos ng box-office success ng DÂiary ng Panget, maituturing na big star na talaga si James Reid.
Naiintriga na ito, na ang latest ay nakita raw itong may kalandiang girl sa Pico de Loro nitong nakaraang Semana Santa.
Kumalat ito sa Twitter na napansin ng isang bakasyunista roon.
Ayon naman sa kampo ni James, wala raw sa Pico de Loro nung nakaraang linggo ang aktor kaya baka hindi daw si James ‘yun.
Aalamin daw muna kung kailan pumunta roon si James, at kung meron nga siyang kalandiang babae. Pero kung sakaling meron man daw, wala naman daw problema dahil wala naman daw girlfriend ang young actor. Pero mukhang nagkakadebelopan na raw ngayon sina James at ang ka-loveteam niyang si Nadine Lustre.
PAK: Naloka si Pauleen Luna nang na-phone patch interview ito sa Startalk kamakalawa ng hapon sa tanong ni Manay Lolit Solis, kung magkasama sila ni Bossing Vic Sotto sa isang kuwarto nung nagbakasyon sila sa San Francisco, California nung nakaraang linggo.
Sabi naman ni PÂauleen, marami silang nagbakasyon at grupo ang lakad nila, kaya hindi naman daw masaÂbing silang dalawa lang ni Bossing ang nag-bonding nang husto.
Itinanggi rin nito ang kuwentong nag-propose na raw sa kanya doon si Bossing. Wala raw ganun at hindi raw siya dapat ang tanungin tungkol sa proposal at wedding dahil hindi naman daw siya ang makasasagot nun.
BOOM: Parehong ayaw nina Sen. Bong ReÂvilla, Hayden Kho, at Dra. Vicki Belo na pag-Âusapan ang tungkol sa pag-aayos nila sa Holy Land.
Ilang beses namin kinulit sina Sen. Bong at Lani nung nagbakasyon sila roon sa Boracay, pero ayaw nilang magsalita.
Noon pa man ay sinasabi ni Dra. Belo na ayaw niyang magkaayos sila sa media, kaya mas gusto nilang tahimik na lang at hayaan na lang na ganun.
Ayaw din kasi ni Dra. Belo na maging isyu pa ito, para hindi na raw mapag-usapan uli ang dating iskandalo na kinasangkutan ni Hayden.
Nakikita namang sincere ang pagbabati nila at inaasahang mababalik na ang maganda nilang samahan.
- Latest