^

PSN Showbiz

Sam hindi alam kung paano tatanggapin na susunod siya kay Gary

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sina Coco Martin at Sarah Geronimo sa isang pelikula, ang Maybe This Time. Marami-rami na ring eksenang nakunan ang dalawa at ayon kay Sarah ay masarap daw talagang katrabaho ang aktor. “Si Coco naman is talagang endearing person and talagang, I would always say na ‘yung smile ni Coco, siya lang ang may gano’ng klaseng smile,” bungad ni Sarah.

Nagpapasalamat daw ang Popstar Princess kay Coco dahil tinutulungan siya ng aktor sa kanilang mga eksena. Kaya naman hindi na nailang si Sarah nang gawin nila ng aktor ang kanilang intimate scenes. “Sa teaser, ‘yung parang iki-kiss ko siya, tuwang-tuwa ako sa kanya doon. May gano’n pala siya, may pagka-komedyante din siya. Mas natutuwa ako kapag gano’n kasi nagiging natural din ‘yung batong acting ko sa kanya,” kwento ng dalaga.

Maraming mga bagay din ang natutunan ni Sarah mula sa aktor dahil sa nasabing pelikula. “Kilala natin si Coco as a dramatic actor so sabi ko sa sarili ko na challenge ito sa akin. Siyempre, excited tayo dahil alam natin na marami tayong matututunan through this project, with Coco,” pagtatapos ng singer-actress.                                                                        

Kamakailan ay nabanggit ni Gary Valencia­no sa isang pahayag na nakikita daw ng kan­yang anak na si Paolo ang pagkakahawig ng mga ginagawa nila ni Sam Concepcion. Ma­ta­tandaang kinuha ring guest ni Mr. Pure Ener­gy si Sam sa katatapos lang niyang concert sa Araneta Coliseum. Isang malaking karangalan naman daw ito para kay Sam. “Hindi ko alam kung paano ko ite-take ‘yun. I’m just so thankful to Tito Gary and to the Valencianos. Iba ‘yung feeling na the person who you look up to as an artist, as a person na if you do it right, you work hard enough, medyo pressure,” nakangiting pahayag ni Sam.

“Sabi ko nga po I think no one’s going to be the next Gary Valenciano. Pero sabi niya, ‘Hindi. If you work hard enough, if you manage your career well, you’ll be able to. Inspiring talaga,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagkukumpara kina Sam at Gary ay inihahalintulad din ang binata kay Justin Bieber. “Hindi ko alam kung paano tatanggapin ‘yun. Kasi iba ‘yung scene natin dito, iba ‘yung musika natin. He is accomplished pero I want to make a name for myself,” giit ni Sam.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

ARANETA COLISEUM

COCO MARTIN

GARY VALENCIA

GARY VALENCIANO

JUSTIN BIEBER

MAYBE THIS TIME

MR. PURE ENER

POPSTAR PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with