Batang may sakit na epidermolysis bullosa at may cancer, nangangailangan ng tulong
MANILA, Philippines - Samahan ang Frontrow na silipin ang kuwento ng buhay ng anim na taong gulang na bata na may sakit na epidermolysis bullosa ngayong Lunes ng gabi, Abril 21, sa GMA 7.
Hindi tulad ng ibang bata na naglalaro sa kalye, madalas na nasa loob lamang ng bahay si Ashley. Hangga’t maari hindi siya puwedeng maarawan dahil sa kanyang sakit sa balat na kung tawagin ay epidermolysis bullosa. Bukod pa rito, may bone marrow cancer din si Ashley.
Noong nakaraang linggo, napukaw ang publiko sa kalagayan ng bata ng sumakay si Ashley kasama ang kanyang lola sa MRT. Marami ang nag-ambag at nagbigay ng tulong para sa pagpapagamot ni Ashley.
Sa gitna ng kanyang kalagayan, hindi nawawalan ng pag-asa ang pamilya ni Ashley. Inaalagaan siya ng kanyang lola at dinadala sa ospital para sa kanyang gamutan. Patuloy na naghahanap ng trabaho ang kanyang ina, habang nag-aantipo naman ang kanyang lolo. Lahat iisa ang hiling – ang tuluyan at lubusang paggaling ni Ashley.
Sundan ang kuwento ni Ashley sa Front Row sa Lunes, Abril 20, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
- Latest