Pagpapatangos ng ilong ‘di na kailangang operahan
MANILA, Philippines - Laging inaabangan kung ano ang bago pagdaÂting sa kasalukuyang siyensiya ng aesthetic beauty and wellness. Ang mga bagong produkto, paraan at treatment na ito ay palaging garantisadong nakatutulong sa pagsugpo ng signs of aging at napapanatiling mukhang bata ang kutis.
Kaya naman napakaganda at malaki ang naitutulong ng programa ni Dr. Vicki Belo na Salamat Dok. Ang monthly TV special na ito ay napapanood sa ABS-CBN. Sa progÂramang ito matutuklasan ng mga viewers ang mga bagong produkto sa merkado at kung ano ang ‘in’ pagdating sa pagpapaganda at pag-aalaga ng mukha at balat.
Ngayong Linggo (April 20) sa Salamat Dok, ipakikita ni Dr. Vicki Belo kasama kanyang Belo Medical Group (BGM) ang Dermal Fillers o mas kilalang non-surgical rejuvination technique na napaka-popular sa kanilang mga babaeng kliyente at mga mitikuloÂsong kliyenteng kalalakihan. Ito ang pinakabago nila kung saan tinaguriang “new collagenâ€, sa technique na ‘to ang dermal filler ay ini-inject sa problem area para maisaayos. Mas nagtatagal ito kaysa sa collagen kaya mas gusto ito ng mga pasÂyente na nagnanais ng mas fuller at mas batang hitsura. Tampok din ngayong Linggo ang Juvederm Plus dermal filler na para naman sa ilong. Mas pinagaganda nito ang hubog at hitsura ng ilong kaya naman tinatawag din ito ng mga customers na “non-surgical nose lift.â€
Kung ang hanap n’yo naman ay ang superior anti-aging treatment, ang OxyGeneo ang bagay sa inyo. Mas naa-absorb ng balat ang gamot at vitamins o supplement sa pamamagitan ng simultaneous exfoliation ng balat at oxygenation. Ang procedure na ito ay nagko-concentrate sa Bohr effect kung saan kapag tumaas ang CO2 concentration, naglalabas ng oxygen ang Hemoglabin kung saan nagpo-provide ito ng superior anti-aging results. Puwede ito sa lahat ng uri ng balat, kahit gaaano pa ka-sensitive ito. Simple lang ang OxyGeneo: it exfoliate, infuse and oxygenate the skin.
Ang Sclerotherapy naman sa kabilang banda ay isang ligtas at epektibong treatment sa varicose veins. Ang treatment na ito ay ginagamitan ng pinaka-safe na solution na nagmula pa sa Europe. Kapag ininject ang Aethoxysclerol sa ugat, nawawala ito at humahalo sa dugo. Multiple sessions ng Sclerotherapy ang kinakailangan para mas maging epektibo ang treatment na ito.
Para malaman ang latest pagdating sa beauty innovations at procedure abangan ang pinaka-sikat na doktor ng mga artista, si Dr. Vicki Belo sa Salamat Dok, nagayong alas-7:30 ng umaga sa ABS-CBN (na may replay sa ANC).
- Latest