Billy at Coleen, ‘exclusively dating’ pa rin daw!
Nakatakdang mag-release ng bagong album si Billy Crawford sa Universal Records. Maraming orihinal na kanta ang isinulat ng singer para sa kanyang bagong proyekto. “Most of them. ‘Yung mga OPM lang, ‘yung mga Tagalog lang ang hindi ko nasulat pero halos lahat actually. So out of 13, mga 12 or 11,†bungad ni Billy.
Halos limang taon na ngayon mula nang huling maglabas ng album ang singer. Medyo natagalan daw dahil tutok din si Billy sa kanyang mga ginagawa bilang isang producer. “Actually, wala din naman akong tigil. It’s not really resting kasi I am also trying to be a producer and songwriter for other artists as well. So kung hindi ko ginagawa ang album ko, or I have a little bit of time, I collaborate with other artists as well. Tapos sulat kami nang kanta and I think our next project is with Christian Bautista,†paliwanag ni Billy.
Samantala, masaya naman daw ang binata ngayon sa kanyang buhay pag-ibig. Madalas silang tuksuhin ni Coleen Garcia sa It’s Showtime pero ano na nga ba ang tunay na estado ng kanilang puso ngayon? “We are exclusively dating. I mean we are not seeing any other people pero ‘yung sabihin natin, it’s just a label eh, just to be honest with you. We are just taking our time. I enjoy her company, we enjoy each other’s company. We go out, we have friends and nakakatawa ‘yung mga comments nakikita namin. Lagi silang magkasama, eh malamang nililigawan ko. It makes no sense kung hindi, bahala na ‘yung mga tao kasi judgemental minsan ‘yung mga tao na hindi natin mako-control. So long as I know where I stand and I am happy and hopefully I make her happy,†pagtatapat ni Billy.
AJ, pinagawan ng espesyal na kwarto sa kanilang bagong bahay
Noong Huwebes Santo ay inalala ng pamilya ni AJ Perez ang araw ng kamatayan ng aktor. Tatlong taon na ngayon mula nang pumanaw si AJ dahil sa isang vehicular accident. Ayon sa ama ni AJ na si Gerry Perez ay nahirapan daw talaga ang kanilang pamilya na tanggapin ang pagkawala ng aktor. “After three years, we’re okay, except for the past first year, second year, and going on the third. Noong palapit nang palapit na medyo nakalulungkot pero hindi na gano’n kalungkot as before the first two years na na-experience namin,†pagbabahagi ni Gerry.
Kalilipat pa lamang daw sa bagong bahay ng pamilya ni AJ sa isang lugar na pinangarap din noon na matirhan ng aktor. “It was two years ago when we started this house, we just moved in this year. We used to be in White Plains. There was a time na tinanong ko si AJ, ‘Kung may pagkakataon ka na meron kang patayuan na bahay?’ Without a doubt sabi niya rito. We looked for a property which is in honor of him,†kuwento ng ama ni AJ.
Mayroon ding espesyal na kwarto sa bagong bahay para sa namayapang aktor. “In the house we have a prayer room, but it is not yet finished. It’s like a memorabilia na rin. Sa ngayon we have the room already, medyo chapel na maliit pero papagawan pa namin,†pagtatapos ni Gerry. -Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest