^

PSN Showbiz

ABS-CBN kinilala sa New York Fest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang pagkilala mula sa prestihiyong New York Festivals ang natamo ng ABS-CBN kamakailan kabilang na ang dalawang world medals para sa dokumentaryo nitong Agosto Beinte-Uno at investigative program na Failon Ngayon.

Wagi ng silver world medal sa Graphic Design: Promotion/Open & ID category ang espesyal na dokyu na Agosto Beinte-Uno: Ang Pagpatay kay Ninoy Aquino kung saan sinariwa at muling binalikan ang pagpatay sa dating senador ng bansa na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Ginawaran din ang naturang entry ng finalist certificate para sa Biography/Profiles category.

Samantala, pinarangalan naman ng world bronze medal sa Current Affairs category ang programang Failon Ngayon ni Ted Failon para sa episode nito na Tagas ng Minahan kung saan binusisi ang panganib na dala nang pagtagas ng mine tailings kaugnay sa isang insidenteng nagkontamina sa Balog river na dumaloy hanggang San Roque Dam.

Nakatanggap rin ng finalist certificates ang educatio­nal program ni Kim Atienza na Matanglawin  sa Educa­tional/Instructional category para sa episode nitong Elephants at ABS-CBN Creative Communications Management sa Green Promotion category para sa plug nitong Sprout.

Ito na ang ika-57 taon ng New York Festivals, na inoorganisa ng International Television & Film Awards, sa pagbibigay parangal sa pinakamahuhusay na palabas sa TV at pelikula sa buong mundo.

AGOSTO BEINTE-UNO

ANG PAGPATAY

AQUINO JR. GINAWARAN

CREATIVE COMMUNICATIONS MANAGEMENT

CURRENT AFFAIRS

FAILON NGAYON

FILM AWARDS

GRAPHIC DESIGN

NEW YORK FESTIVALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with