GMA todo-suporta na uli kina Richard at Sarah, demandahan noon burado na
MANILA, Philippines - Burado na talaga ang naging demandahan sa pagitan ng Sarah Lahbati at GMA 7. Todo-suporta ang ipinakikita ng GMA ngayon kay Sarah lalo na sa gaganaping show nito kasama si Richard Gutierrez sa Dubai na gaganapin sa last week ng April para sa isang Fashion Show na gaganapin sa May 1.
Ayon pa sa aktres, magi-stay sila ni Chard ng tatlo hanggang apat na araw sa Dubai bago bumalik sa Manila para sa iba pa nilang commitments.
“It’s my first time in Dubai to do a fashion show with Chard so it’s definitely going to be fun! I’m very excited to meet our kababayans sa Dubai and Abu Dhabi. They will surely enjoy the fashion show because one of the designers is Furne One and it’s going to be a major!†masayang pagbabahagi ng magandang aktres.
Samantala, muling mapapanood si Richard ngayong taon sa pelikulang handog ng GMA Films na Overtime kasama ang Kapuso actress na si Lauren Young.
Para sa iba pang detalye tungkol sa nasabing event maaring mag-email sa [email protected] or pwedeng magtext or tumawag sa +0556807288/+0509809581.
- Latest