Piolo gusto na talagang mag-retire para magawa ang lahat sa Amerika na walang nang-iistorbo
Kamakailan ay naisipan ni Piolo Pascual na lisanin na ang showbiz. Gusto kasing maglaan ng aktor ng panahon sa sarili at para sa anak na si Iñigo kaya sumagi ito sa kanyang isip. “We’re not getting any younger. My son is not getting any younger. I want to spend more time with him. I want to be able to attend to some other stuff, do some other businesses. I’ve been so busy with work almost half my life, and I thought, before I get married, at least I’ll have time for myself so I can still enjoy my bachelor life,†paliwanag ni Piolo.
Binata na ngayon ang nag-iisang anak ng aktor, may plano pa kaya siyang magkaroon ulit ng anak? “I think that’s one of the reasons why I wanted to retire. So I can spend more time alone and just really smell the flowers, and you know, be on the lookout,†pagtatapat ni Piolo.
Sa Amerika raw gustong mag-retiro ng aktor pagdating ng panahon dahil mas malaya niyang nagagawa ang mga gusto niya roon katulad na lamang nang panonood ng laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley noong Linggo. “I crave for it. I like it, I enjoy it. Coming from Vegas, I flew alone. Maganda rin ‘yung anonyÂmity. Maganda rin na nandoon ka lang sa isang side and no one bÂothers you,†giit niya.
Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang bagong teleserye ng aktor na Hawak Kamay.
Toni natutong mag-invest dahil kay Mommy Pinty
Matagal-tagal na rin sa showbiz industry si Toni Gonzaga. Marami nang naging proyekto ang aktres kaya nakapagpundar na rin ng mga ari-arian para sa kanyang buong pamilya.
Inaral nang mabuti ni Toni kung saan ilalagay ang mga pera na kanyang kinikita. “I’ve learned how to save. I think it’s very important for people to learn how to save and value money, the importance of saving up for the rainy days, especially when you work so hard for the money,†paliwanag ni Toni.
Natutunan daw ng dalaga ang pagpapahalaga sa pera sa kanyang inang si Mommy Pinty. “One thing that my mom taught me ay ‘wag mag-save in one bank. You should try to divide it in different banks because if something happens, just in case, they will only give you a percentage of what you deposited. Try to spread out your money. I do a lot of investments, with lots and some properties, and sometimes in the bank time deposit,†pagbabahagi pa ng Multimedia Star. Reports from JAMESC. CANTOS
- Latest