^

PSN Showbiz

Mga bata sa painting na Hapag ng Pag-asa, kukumustahin ni Cheche

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ku­kumustahin ni Cheche Lazaro sa Easter Sunday  - Sun­day’s Best ng ABS-CBN ang kasalukuyang buhay ng mga batang lansangan na ipininta ng namayapang si Joey Ve­­lasco sa Hapag ng Pag-asa, ang sikat na painting ng Hu­ling Hapunan na imbes na mga Apostoles ay mga batang lan­sangan ang kasama ni Hesus.

Sasariwain din sa dokumen­taryong Cheche Lazaro Pre­sents: Hapag ng Pag-asa ang buhay ng negosyante at pintor na si Velasco.

 Maraming nang damdamin ang napukaw ng Hapag ng Pag-asa simula nang ito ay ilabas halos siyam na taon na ang nakakalipas. Sumikat ang painting maging sa ibang bansa.

Anim na buwan matapos kumuha ng kurso sa pagpi­pinta si Velasco, sinimulan niyang ipinta ang bersyon niya ng Hu­ling Hapunan sa tulong ng 12 paslit bilang mga modelo na per­sonal niya pang hinanap. Isa’t kalahating buwan ang ginu­gol niya para tapusin ang naturang obra.

Makalipas ang tatlong taon, noong 2008, matagumpay niyang natulungan ang mga bata nang mabigyan niya ang mga ito ng tahanan sa Gawad Kalinga village. Ang pangyayaring ito ang nag-udyok kay Velasco upang likhain ang Hapag ng Pag-ibig, isa na namang ilustrasyon ng Hu­ling Hapunan na kasama muli ang masasayang 12 paslit sa Gawad Kalinga village.

Pumanaw si Velasco dahil sa kumpli­kasyon sa bato o kidney sa edad na 43 noong Hulyo 2010 habang patuloy pa rin ang pagtulong sa mga bata. Ano na ang ki­nahinatnan ng mga batang lansangan na ninais iahon ng pintor mula sa hirap ng buhay matapos siyang pumanaw?

 

Manny Pacquiao, inspirasyon ni Alwyn Uytingco!

Maging ang Kapatid actor na si Alwyn Uytingco na bida ng Beki Boxer ng TV5 (umeere gabi-gabi tuwing alas-7) ay hindi pinalampas ang kapana-panabik na laban ng kanyang idolong Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nitong nakaraang Linggo (Abril 13). Kahit pa nasa Dubai para sa isang espesyal na pagtatanghal ng Tropa Mo Ko Unli, naging kasama si Alwyn ng milyung-milyong mga Pilipino sa buong mundo na tumutok sa pagkapanalo ng People’s Champ sa kanyang laban para sa dangal ng bansa sa boksing. Maging sina Christian Vasquez, Cholo Barretto, at ang dating boksingerong si Onyok Velasco, kasama ang buong staff at crew ng Beki Boxer ay tumutok din sa laban ni Manny at ni Timothy Bradley Jr. sa ginanap ng VIP screening ng nasabing laban sa Solaire sa may Parañaque.

ALWYN UYTINGCO

BEKI BOXER

GAWAD KALINGA

HAPAG

HAPUNAN

PAG

SHY

VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with