Vintage car na binili ni Angel sa Amerika, ipinabi-bid ng milyun-milyon!
MANILA, Philippines - Hindi ka lang nakatulong sa kapwa, magiging pag-aari mo pa ang vintage car ni Angel Locsin na matagal niyang inalagaan at iningatan.
Simula Lunes (Apr 21), maari nang mag-bid ang publiko sa online auction ng 1970 Chevrolet Chevelle ni Angel na pangungunahan ng ABS-CBN Sagip Kapamilya para makapagpatayo pa ng paaralan dulot ng bagyong Yolanda.
Matatandaang idinonate ni Angel ang sariling muscle car sa Sagip Kapamilya at inatasan na isagawa ang auction. Hinimok din ni Angel ang mga mahihilig sa sasakyan na suportahan siya sa kanyang layuning makatulong.
Ibinahagi rin ng The Legal Wife star sa isang panayam sa Kris TV na matagal na niyang pangarap na magkaroon ng Chevelle kaya naman pumunta pa ito ng U.S. para lang bilhin ito.
Nang tanungin kung bakit niya ipapamigay ang kanyang dream car, sagot ni Angel ay nahihiya umano kasi siya na may ganoong luho habang marami ang nagdurusa dala ng trahedya.
Sa halagang hindi bababa sa P1 milyon, maaring mag-bid online sa http://auction.abs-cbn.com. Mag-register muna at gumawa ng inyong sariling account sa site bago makapag-bid.
Tatakbo ang auction mula Apr 21 hanggang Apr 30 lamang. Iaanunsyo sa publiko ang mananalong bidder.
Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, bumisita lang sa auction site o tumawag sa 4114995 para magpa-schedule ng viewing appointment.
Hmmm. Kanino kaya mapupunta ang nasabing vintage car ni Angel? Hindi kaya maki-bid ang boyfriend niyang si Luis Manzano na iregalo uli sa kanyang girlfriend na magbi-birthday?
Joey at Mike nagpabinyag uli sa Jordan river
Gagawing mas espesyal ng GMA Network ang paggunita sa Semana Santa ngayong taon dahil itinatampok nito ang isang one-of-a-kind journey sa Holy Land sa Banal na Paglalakbay ngaÂyong HÂuwebes Santo (Abril 17).
Pagkatapos ng halos limang dekada, naisakatuparan na ng GMA News anchor/DZBB announcer na si Mike Enriquez, TV host/actor na si Joey de Leon, at RJ100 FM DJ na si Danee Samonte na nagsimula bilang mga DJs noong 1960s ang matagal na nilang pangarap na bumisita sa Holy Land upang balikan ang mga naging karanasan ni Hesus.
Saksihan ang paglahok ng mga magkakaibiÂgang sina Mike, Joey, at Danee sa mga iba’t ibang religious rituals. Samahan din sila sa pagpasyal sa mga makasaysayang lugar sa Holy Land katulad ng Basilica of the Nativity, Sanctuary of the Shepherds at Altar of the Magi sa Bethlehem, at Basilica of the Annunciation at Church of Saint Joseph naman sa Nazareth. Bibisitahin din nila ang sagradong lugar ng Cana, Mount of BÂeatitudes at Sea of Galilee kung saan ginawa ni Hesus ang ilan sa kanyang mga himala, ang Jordan River kung saan bininyagan si Hesus, at ang Jerusalem na pinagdausan ng huling hapunan ni Hesus.
Magdadagdag ng kasiyahan sa kanilang Holy Land trip ang pagkakataong isagawang muli ang kanilang mga baptismal vows sa Jordan River at ang kanilang kakaibang karanasang buhatin ang krus upang balikan ang mga paghihirap ni Hesus.
Panoorin ang Banal na Paglalakbay nina Mike Enriquez, Joey de Leon, at Danee Samonte ngayong Huwebes Santo, 7:30 PM sa GMA 7.
- Latest