^

PSN Showbiz

Love team nina Dennis at Tom nabantilawan na?

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

It’s been six months pero hanggang ngayon ay wala pa ring bagong project sa GMA ang tatlong stars ng hit TV series na My Husband’s Lover na sina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Tom Rodriguez.  Mabuti na lamang at may ibang pinagkakaabalahan ang tatlo. Sayang naman ang pagiging mainit ng tatlo sanhi ng kanilang matagumpay na serye na noong Oktubre ng isang taon pa nagtapos sa ere. Hanggang ngayon ay nakaabang pa rin ang mga manonood kung ano ang magiging next pro­ject ng tatlo bago man lamang mabantilawan ang kasikatan na kanilang na-create sa pamamagitan ng My Husband’s Lover kung saan nabuo ang Tom-Den `love team’.

Carla naka-move on na agad

Bago pa man umamin si Carla Abellana tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang nobyo of four years na si Geoff Eigenmann ay marami nang naglabasan na tapos na ang relasyon ng dalawa pero nanatiling tikom ang bibig ng magkabilang party. Na-confirm lamang ang tungkol sa kanilang break-up nang aminin ito ni Carla sa kanyang live guesting sa Startalk last Sunday afternoon.

Ang buong akala noon ng marami ay sa simbahan mauuwi ang relasyon nina Carla at Geoff pero sa hiwalayan ito nagtapos.

Sa halip na mag-dwell sa kanilang break-up ni Geoff, concentrated si Carla sa kanyang trabaho at masaya siya na sunud-sunod naman ang pinagkakaabalahan niya.

Benjamin basted kay Jennylyn

Ang Kapuso actor na si Benjamin Alvez ang bagong guy na nali-link ngayon sa ex-GF ni Luis Manzano na si Jennylyn Mercado na isa sa mga kaibigang dumalaw sa aktres nang ito’y ma-confine sa hospital kamakailan lang.

Ayon kay Jennylyn, hindi pa umano handa ang kanyang puso na muling mag-entertain ng bagong pag-ibig dahil gusto niya raw muna ito ipahinga pero hindi ang tulad ni Benjamin ang basta susuko sa kanyang intention sa dalagang-ina.

Mas gusto ni Jennylyn na mag-focus muna sa kanyang anak na si Alex Jazz at sa kanyang trabaho kesa usaping puso.  Nakailang failed relationship na rin kasi siya mula sa co-star niya sa Rhodora X na si Mark Herras, Patrick Garcia (kung kanino siya may isang anak), Dennis Trillo, at ang pinakahuli ay si Luis Manzano.

Masaya si Jennylyn dahil sa magandang ra­tings ng Rhodora X kung saan siya gumaganap sa tatlong iba’t ibang character.

vuukle comment

ALEX JAZZ

ANG KAPUSO

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

JENNYLYN

LUIS MANZANO

MY HUSBAND

RHODORA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with