^

PSN Showbiz

Pangalawang babae na nag-akusa ng rape kay Vhong, may posibilidad na makulong din

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Siguro ngayon ay nagsisisi ang ikalawang babae na nagsampa ng kasong rape kay Vhong Navarro dahil sa halip na makuha niya ang sinasabi niyang katarungan, kaso rin ang naging katapat ng kanyang demanda. Kulang-kulang sa P2M ang danyos na hinihingi sa kanya ng Slimmers World dahil sa pagkaladkad niya ng pangalan nito sa kanyang isinampang kaso. Lagot! I just hope may ganito siyang halaga. Kung hindi baka makalaboso siya.

Robin ipinamigay ang TF

Wala akong masabi rito kay Ro­bin Padilla hah! Ang talent fee niya o honorarium na P100,000 na ibinigay sa kanya dahilan sa pagdalo niya sa  event ng PLDT Gabay Guro ay hindi niya tinanggap at sa halip ay ipina-raffle sa mga dumalong guro sa gitna ng katuwaan nila. Dumoble pa nga ang halaga nang napanalunang pa-raffle dahil sa tinapatan ito ng kaparehong halaga ng PLDT Gabay Guro. Mabuhay ka Binoy!

Dominic ayaw makipaglaplapan sa macho

Hindi naman sa ayaw ni Dominic Roco na gumanap ng role ng isang bakla, payag naman siya. Ang ayaw lang niya ay yung magkaroon ng love scene sa kapareho niyang lalaki, pero sa kissing scene, okay din siya, basta hindi lang torrid.

Hindi naman nagpapaka-arte lang ng anak ni Bembol Roco. Kaya lang hindi pa siya nakakagawa ng ganitong role

Kylie maraming kailangang ayusin

May gap pa rin pala sina Aljur Abre­nica at Kylie Padilla. Ayaw na sanang pabalikin ng ‘Pinas ng kanyang ina si Kylie, pero ipinaliwanag niyang may mga commitments pa siya rito na kailangan niyang i-honor kaya siya pinayagang makauwi. Siguradong sa pagbabalik ni Kylie ay dudumugin siya ng media. Marami kasi siyang kailangan sagutin tulad ng pagkaka-link nila ni Geoff Eigenmann, ang reaksyon niya sa kumprontasyon nito at ni Aljur, at ang sinasabing pagdi-date nina Aljur at Louise delos Reyes. Baka naman alam nito ang ginawang paglabas ng boyfriend niya kasama ang leading lady nito sa Kambal Sirena. Kung alam pala niya, eh ‘di walang intriga.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRE

BEMBOL ROCO

DOMINIC ROCO

GABAY GURO

GEOFF EIGENMANN

KAMBAL SIRENA

KYLIE PADILLA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with