^

PSN Showbiz

Bong at Lani bumalik na ng ‘Pinas, hindi takot maaresto!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Pagkalipas ng apat na taon na relasyon, saka sinabi ni Carla Abellana na  â€œtoo different people” sila ng kanyang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Sa pag-amin ni Carla na hiwalay na sila ni Geoff, lumabas na totoo ang isyu na  ilang beses niyang idinenay noon.

SCENE: Extended ang showing sa mga sinehan ng Diary ng Panget, ang youth oriented blockbuster movie ng Viva Films.

SEEN: Bumalik sa Pilipinas noong Linggo si Senator Bong Revilla, Jr. at ang kanyang pamilya mula sa kanilang dalawang linggong biyahe sa Holy Land.

Napahiya ang mga nagsabi na hindi na babalik ang senador nang umalis siya sa bansa noong March 30 upang makaiwas sa nakaamba na warrant of arrest na bunga ng pagkakasangkot niya sa pork barrel scandal.

SCENE: Ngayon ang huling araw ng audition para sa mga bagong housemate ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN at gaganapin ito sa Smart Araneta Coliseum.

SEEN: Si Cesar Montano at ang kanyang anak na babae sa Las Vegas. Nagbakasyon si Cesar sa California bago siya lumipad sa Las Vegas dahil pinanood niya ang boxing fight nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr.

SCENE: Big fan ni Manny Pacquiao ang American TV host na si Mario Lopez na hindi pinalampas ang pagkakataon na magkaroon sila ng selfie photo ng Pambansang Kamao.

SEEN : Ang exhibit ng relics ni Blessed Pope John Paul II na dinarayo ng mga deboto sa second floor ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Magtatagal hanggang sa  April 24 ang exhibit.

SCENE:  Ang balita na sinubukan ng businessman na si Ferdinand Guerrero na bumiyahe sa Hong Kong. Akusado si Ferdinand sa serious illegal detention kay Vhong Navarro at walang piyansa sa nasabing kaso.

BLESSED POPE JOHN PAUL

CARLA ABELLANA

FERDINAND GUERRERO

GATEWAY MALL

GEOFF EIGENMANN

HOLY LAND

HONG KONG

LAS VEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with