^

PSN Showbiz

Groomzilla ang tawag ng GF Aiza aligaga sa kasal nila ni Liza

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakda nang magpakasal bago magtapos ang taon ng magkasintahang sina Aiza Sequerra at Liza Diño. Ngayon ay abala na ang da­lawa sa paghahanda para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib. “We’re still finalizing things. Our marriage in the States will happen this year, siguro by the end of the year. ‘Yung ceremony with family and friends here, first quarter of next year,” pagtatapat ni Liza.

“I know this is going to be cheesy. Kasi we both like the same thing. Hindi namin pinag-uusapan pero sinabi ko sa kanya na ang gusto kong wedding is very rustic. Ayoko nang masyadong stiff and gano’n ‘yung gusto niya. Ako, dream wedding ko is to be with family. Nakuha ko na ‘yon, gusto ko intimate and I think that’s our plan,” dagdag pa ng dalaga.

Ilang mga panauhin lamang ang planong imbitahan nina Aiza at Liza sa kanilang kasal sa Amerika pero gusto naman daw ng magkasintahan na marami silang maging bisita pagdating sa Pilipinas. “Since medyo nagiging public na ‘yung relationship namin ngayon, we want to be with the people who really supported and really loved us. Sa awa ng Diyos, ang dami namang taong ganyan sa amin,” paliwanag ni Liza.

Ayon pa sa dalaga ay mas partikular daw si Aiza kaysa sa kanya pagdating sa detalye ng kanilang kasal. “Si ‘Groomzilla’ ang tawag ko sa kanya (Aiza). Siya kasi ‘yung particular eh. Kasi ako, I never experienced being proposed to. I never experienced going down the aisle na talagang buong pamilya. I got married in Las Vegas, so talagang it was very different,” pagtatapos ni Liza.

Angel gulat na gulat sa sorpresa ni Luis, nakipagsabwatan pa sa mga kapatid

Sa April 23 ay magdiriwang ng kanyang kaarawan si Angel Locsin. Noong Sabado ay nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account na isang sorpresa na raw ang kanyang natanggap mula sa kasintahang si Luis Manzano at iba pang mga mahal sa buhay. Nakipagsabwatan daw kasi ang aktor sa mga kapatid ng dalaga para makapaghanda ng isang surprise birthday party. “Aww, surprise birthday parteey pala namin ngayon! :D Thanks naman sa ate ko and friends! :) di ko talaga halata kasi ang aga ha! Wala na raw time to celebrate sa balur, haha! Kakunchaba niyo pa si @luckymanzano ha! Ganda ng set up! Thank you!” post ni Angel sa kanyang IG account.

Magdiriwang naman ng kanyang kaarawan si Luis sa April 17 at pareho raw abala ang dalawa kaya napaaga ang kanilang selebrasyon.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AIZA

AIZA SEQUERRA

ANGEL LOCSIN

D THANKS

KASI

LAS VEGAS

LIZA DI

LUIS

LUIS MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with