Mommy ni Pacman dineklarang star of the night, waging-wagi kay Bradley!
MANILA, Philippines - Waging-wagi si Mommy Dionisia Pacquiao kahapon sa laban ng kanyang anak na si Cong. Manny kay Timothy Bradley.
Aba bukod sa suot niyang Terno at malaking rosary sa leeg, pinagpiyestahan pa ang hawak-hawak niya na rosary yata ‘yun.
At ang daming nagpa-picture sa kanya. Maging ang mga artista ng Star Magic na nanood ng laban, hala may solo picture sila with Pacman’s mom.
At ang the height nag-trend siya sa twitter. Lalo na ‘yung picture na kinakausap niya si Bradley pagkatapos talunin ni Pacman ang Amerikanong boksingero. Maging si Manny ay hindi raw alam kung ano ang ibinulong ng kanyang madasaling ina sa kanyang tinalong boksingero.
Pumatok din sa Internet ang pagturo niya sa ring ng kanyang middle finger sa pagitan ng round six and seven na naging rason para sabihan siya ng mga commentator na parang may seremonyas or hex na ginagawa ito.
Sobrang naaliw ang mga nanood sa laban kay Mommy D. Maging ang isang major newspaper sa Amerika ay idineklara siyang ‘star of the night.’
Maging ang sikat na Hollywood TV personality na si Piers Morgan ay natuwa kay Mommy D. “Love ‪@MannyPacquiao ‘s mother,†sabi ni Morgan sa kanyang Twitter account
Agree rin si Morgan na kailaÂngang magkaharap sina Pacman at Floyd Mayweather. Nag-agree siya sa sinabi ng boksingero rin na si Lennox Lewis : “Agreed RT ‪@LennoxLewis I think ‪@MannyPacquiao & ‪@FloydMayweather should fight each other as last fight for both of them. ‪#TheGrandFinaleâ€
Bumaha ng mga pagbati kay Pacman ang maÂraming celebrities sa kanyang pagkapanalo.
Kinabiliban din si Jessica Sanchez sa pagkakakanta niya ng Lupang Hinirang. Kaya naman grabe ang hiwayan at palakpakan pagkatapos nÂiyang kumanta sa MGM.
Nagkaroon na actually ng sawa factor kay Jessica nang magpabalik-balik siya sa bansa kamakailan lang.
- Latest