^

PSN Showbiz

Kampo ni Vhong binabantayan ang ‘pagtakas’ nina Deniece

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista na magkasama at magkasabay na tumakbo kahapon sa University of the Philippines Diliman.

SCENE: Ang balita na “somewhere in the north “ sina Cedric Lee at Deniece Cornejo na may nakaamba na warrant of arrest dahil sa non-bailable offense na serious illegal detention kay Vhong Navarro.

SEEN: Ang paniniwala ng kampo ni Vhong Navarro na tatakas at pupunta sa ibang bansa sina Cedric Lee at Deniece Cornejo para maiwasan ang pagdakip sa kanila.

Pinabulaanan ng kampo nina Lee at Cornejo ang duda ng kampo ni Navarro.

SCENE: Worth P1.6 million ang demanda ng  Slimmers World International laban kay Roxanne Cabañero dahil sa paulit-ulit na pagbanggit nito sa  Miss Bikini Philippines pageant sa rape case niya laban kay           .

Ang Slimmers World International ang organizer ng Miss Bikini Philippines pageant na sinalihan ni Roxanne noong 2010.

SEEN: “Are you ready? Be ready!” ang message ni Timothy Bradley, Jr. kay Manny Pacquiao sa weigh in nila sa MGM Grand Arena noong Biyernes.

SCENE: Sa May 7 ang playdate sa mga sinehan ng So It’s You, ang Regal Entertainment Inc. movie na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at JC de Vera.

SEEN: Gaya ng Eat Bulaga, drama rin ang  ipalalabas ng It’s Showtime sa Holy Week. Acting na acting ni Vice Ganda sa Holy Week episode ng It’s Showtime. 

SCENE: Hindi lamang si Alwyn Uytingco ang dapat panoorin sa Beki Boxer dahil mahusay din si Joross Gamboa sa gay role nito sa tawa-serye ng TV5.

 

ALWYN UYTINGCO

ANG SLIMMERS WORLD INTERNATIONAL

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

HOLY WEEK

MISS BIKINI PHILIPPINES

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with