^

PSN Showbiz

Mga kasali sa Biggest Loser… matindi ang dinaranas na hirap

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Grabe naman ang mga pahirap sa napapanood na The Biggest Loser, Pinoy Edition Doubles ng ABS-CBN.

Sa episode last Friday night, isinabak sila sa military training at ang isang kasali umiiyak na sa hirap na dinaranas sa loob ng kampo ng mga sundalo. Hindi naman siya puwedeng sumuko or else, mawawala na ang tsansa nilang ma­ging grand winner at maiuwi ang premyong isang milyon at kung anik-anik pa.

Hindi biro ang hirap na pinagdaanan nila kaya may mga nag-aabang kung anong nangyari sa mga natitirang contestant at kung sino ang mananalo.

Actually may nanalo na sa competition dahil canned na ito pero ngayon pa lang natin napapanood kung anong hirap ang pinagdadaanan nila para manalo at pumayat sa nasabing contest.

May dalawang pares sa competition ang umamin na nandaya at kasama rito ang anak nina Yayo Aguila at William Martinez at anak ng mag-asawang Marlon Bautista at Gigi Dela Riva dahil nagdala sila ng slimming tea, yosi,º and junk food sa loob ng kampo .

Rescue5 pinarangalan na naman, may road safety campaign ngayong Semana Santa

Kinilala na naman ang Rescue5 sa pagbibigay ng halaga sa cause journalism at sa patuloy nitong mga kontribusyon sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).

Kamakailan ay pinarangalan ng Philippine Public Safety and Order Support Group (PPSOSG) ang buong Rescue5 team, na pinangunahan nina TV5 Public Service Head Sherryl Yao at News5 anchor  Paolo Bediones, bilang Most Appreciated TV Network Rescue Group in the Country.

Ang PPSOSG ay isang non-government, public safety training organization na binubuo ng volunteers mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at ng iba pang indibidwal mula sa mga grupong nakikiisa sa mga programa ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyernong may kinalaman sa kaligtasan at organisasyon ng publiko.

Ayon sa PPSOSG, karapat-dapat ang Rescue5 sa pagtanggap ng parangal na ito dahil sa kanilang “successful and effective delivery of lifesaving programs, combining media and emergency medical first responder services, setting an example worth emulating by other groups both in the same and other industries.”

Nauna nang kinilala ng international news agency na CNN ang Rescue5 bilang kauna-unahan sa industriya ng broadcasting sa buong mundo na nagtataguyod ng mga programang nagsasanay sa mga news reporter at cameramen para magkaroon ng mga lifesaving skills na makakatulong hindi lamang sa paghatid ng mga balita kundi pati na rin sa pagsaklolo sa publiko tuwing may mga emergency at sakuna.

At sa darating na Semana Santa, patuloy pa rin ang Rescue5 sa pangu­nguna sa kampanya ng road safety sa pamamagitan ng Aksyon sa Kalsada.

Simula ngayong Abril 14 (Lunes Santo) hanggang Abril 17 (Huwebes Santo), magtatayo ng 24-hour first aid station ang Rescue5 sa Araneta Bus Terminal. Dadayo rin ang Rescue5 sa Shell Station, Balagtas sa may North Luzon Expressway sa Abril 16 (Miyerkules Santo), upang siguraduhin ang seguridad ng mga bumabiyahe sa mga nasabing lugar. 

Bukod rito, sa tulong naman ng Maynilad, Smart Communications at ng One Meralco Foundation, ang Rescue5 stations ay mamimigay ng libreng drinking water, at magkakaroon din ng charging station para sa mga iba’t-ibang devices.

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-ere ng TV5 ng mga road safety plugs na nagbibigay ng mga mahahalagang tips para sa kaligtasan ng mga bumabiyahe,  sa pamamagitan ng news channel nito na Aksyon TV, pati na rin sa Radyo5 92.3 News FM.

Magtataguyod din ng sticker campaign ang Rescue5 team para ipaalala sa mga motorista ang hotline number nito (922-5155) para sa nangangailangan ng emergency response.                                              

 

ABRIL

AKSYON

ARANETA BUS TERMINAL

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BIGGEST LOSER

RESCUE5

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with