Ricky Reyes sa piling ng mga batang may sakit magbi-birthday
MANILA, Philippines - Kilala siya bilang beauty guru, salon czar, wellness architect, at pilantropo. Kaya marami ang nagmamahal sa kanya. At ngayong araw ay magdaraos siya ng kaarawan kapiling ang mga batang malapit sa puso niya.
Mader Ricky ang tawag sa kanya dahil siya’y mapagmahal, mapag-aruga at may pusong gintong handang dumamay.
Makakapiling siya ng mga batang may sakit na pansamantalang nanunuluyan sa Childhaus na itinatag sampung taon na ang nakakaraan sa pagtutulungan ng Ricky Reyes Foundation, Gandang Ricky Reyes Salon Managers, Metro Manila Mayors Spouses Foundation, at iba pang sponsors na tinatawag na “Ninong†at “Ninang†ng mga bata, magulang at volunteers ng CH.
Dadalo ang naghandog ng CH sa Mapang-akit Street, Kamuning, Quezon City na sina Henry at Carol Sy ng SM Group of Companies at ang paboritong aktres ng celebrant, tinaguriang Movie Queen at modelo ng Ganda ng Lolah Mo GRR campaign na si Ms. Gloria Romero.
Makakasama rin ni Mader ang mga batang ulila na inaalagaan sa Meritzel Children’s Home sa Marikina City. Wala pang isang taon ang institusyong ito pero marami nang naghahandog ng tulong para sa mga batang walang nakagisnang tunay na ama’t ina. Ang MCH ay alay ni Mader sa kanyang yumaong inang si Mama Amada.
Tunghayan sa Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) ang pagtitipon-tipon ng mga nagmamahal kay Ricardo Enriquez Reyes a.k,a, Mother Ricky at Mader Ricky.
Ang GRR TNT ay produksyon ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga.
- Latest