^

PSN Showbiz

Gina Alajar may ibang meaning ang sinabi kay Carla

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi alam ni director Gina Alajar at Michael de Mesa, pinagmamasdan ng press ang mga kilos nila sa nakaraang birthday party ni Tirso Cruz III. Parehong invited ang ex-couple at pareho silang dumating at napansin ng press na hindi sila nag-iiwasan gaya sa isa pang ex-couple na nasa party.

‘Katuwa lang ang napansin ng press na unang tumingin si Michael kay Gina, pero hindi nakatingin sa kanya ang huli. Nang si Gina naman ang tumingin kay Michael, ito naman ang hindi nakatingin sa kanya. Nang finally, mag-meet ang mga mata, nagbatian ang dalawa at nagtsikahan ng konti.

Sabi ni Direk Gina nang makausap namin, madalas silang magkita at magkausap ni Michael dahil nakatira ito sa anak nilang si Ryan Eigenmann at madalas siyang pumunta sa bahay ng anak dahil dina­dalaw ang mga apo.

Nag-uusap sila ni Michael, pero malabo nang magkabalikan pa dahil kasal na si Michael sa iba at si Direk Gina ay masaya na walang partner in life. Hindi na raw niya iniisip magka-love life pa at okey na sa kanya ang mga anak at apo at ang kanyang trabaho.

Kinumpirma nitong extended for eight weeks ang dinidirek na Villa Quintana at baka madagdagan pa ang extension.

Naintriga lang kami sa reaction ni Direk Gina nang tanungin ng isa pang reporter kung totoong break na ang anak na si Geoff Eigenmann at Carla Abellana? Hindi “yes” or “no” ang sagot kundi, “may in-announce ba siya?” (si Carla ang tinukoy) ang sagot.

Ano sa palagay ninyo ang meaning ng sagot ni Direk Gina? Pero, itinanggi nitong may iba nang nililigawan si Geoff.

Sikat na aktres, ikakasal sa kapwa babae

Bonggang nakapag-move on na ang ex ng isang sikat na singer-actress (SA), kaya walang bitterness sa balitang ikakasal na si SA sa girl na ipinalit sa kanya. Hindi rin naman nagpahuli si ex kay SA dahil sikat na personality ang ipinalit kay SA at galing sa pamilya ng showbiz at politics.

Hindi kinailangan ni ex na maghanap ng ipapalit kay SA dahil siya ang hina­ap ng love niya ngayon, nagpakilala, nanligaw, at ngayon, silang dalawa na. Nawala ang takot ng friends ni ex na baka hindi siya tanggapin ng parents ng special someone niya dahil sa Facebook ng family nito, maraming pictures na kasama siya.

May picture pa ngang silang dalawa lang ng mother ng bagong love niya, patunay na welcome siya sa family ng syota niya. Idagdag pang wala kaming naririnig na tsika na ayaw sa kanya ng pamilya ng dyowa.

Ang hirap magbigay ng clue sa blind item na ito dahil pare-parehong gender si ex, ang da­ting syota at ang bagong syota. Basta pareho-pareho silang masaya, ‘ito ang importante!

Louise sinisira-siraan

Tuloy ang pambaba-bash kay Louise delos Reyes sa Instagram sa mga nagpapakilalang followers nina Aljur Abre­nica, Kylie Padilla, at ex niyang si Enzo Pineda. Siya ang sinisisi sa break-up daw nina Aljur at Kylie (wala pang uma­amin), sa lungkot ni Kylie na nasa Austra­lia pa rin at sakit na naramdaman ni Enzo na sa text lang pala niya brineyk.

Kung anu-anong masasakit na tawag at salita ang ibi­ni­bigay kay Louise na for sure nababasa niya sa IG. Pati make-up niya sa Kambal Sirena at pagpo-post ng religious quo­tations ay binabanatan.

Hindi sumasagot si Louise dahil pinagsabihan yata ng GMA Artist Center na ‘wag sasagot at sa pagpo-post ng quotation na lang lumalaban.

Wala pang umaamin kung may ligawan nang nang­yayari between Louise and Aljur, pero curious kami sa ma­giging scenario ‘pag nagsama-sama sina Louise, Al­jur, Enzo, at Kylie sa Sunday All Stars.

Derek puwedeng maglagare

Two movies ang pinirmahan ni Derek Ramsay sa Regal Entertainment kahapon at kundi mababago ang plano, ang unang gagawing pelikula ay pagtatambalan nila ni Ma­rian Rivera. Ang alam naming title ng movie ay One Great Love at si Jay Altarejos ang director.

Hindi exclusive ang kontrata ni Derek sa Viva Films, kaya libre siyang tumanggap ng movie offers sa ibang film company. Hindi rin naman nito tatalikuran ang natitirang three-movie contract pa sa Viva Films.

 

ALJUR ABRE

ARTIST CENTER

DAHIL

DIREK GINA

NANG

NIYA

SHY

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with