Dahil kailangan ng trabaho Melai balik-trabaho kaya agad?
Makabalik pa kaya si Melai Cantiveros sa kanyang programang Banana Nite/Scoop ngaÂyong nakapanganak na siya?
Sana naman dahil sa pagkakaroon nila ng anak ni Jason Francisco ay kinakailaÂngan nila ng ibaÂyong pagsisipag para maitaguyod ang kanilang paÂmilya at mangyaÂyari lamang ito kapag may trabaho sila.
Bukod sa buong pamilya,
Gary V. tinutulungan din ng kapatid sa concert
Ang ganda ng pamilya ni Gary Valenciano dahil lahat sila ay nagtutulung-tulong para sa ikapagtatagumpay ng itinuturing na padre ng pamilÂya. Ang isang anak na si Gab ay umuwi pa mula US para lamang makasama sa konsiyerto ng kanyang ama na bumibilang na ng 30 taon bilang singer. Maging ang bunsong si Kiana ay performer din sa concert na pagtutulungang idirek ng panganay na si Paolo at Gary V. Alam naman ng lahat na supporÂtive rin ang ina ng tahanan ng mga Valenciano na si AngeÂli Pangilinan na siyang tumatayong maÂnager ni GaÂry V. at ng mga talent sa ilalim ng kanilang kumÂpanyang Genesis. Kung sa akala n’yo ay maÂganda ’yung larawan ni Gary V. na ginamit para sa poster ng kanÂyang konsiyerto kuha ’yun ng manugang niya at asawa ni Paolo na si Sam.
Maging ang kapatid ni Gary V. na si Gina Valenciano ay tuÂmutulong din kay Angeli sa paÂngaÂÂngasiwa ng Genesis kaya kita ang presence nito sa mga okasyon na guests ng mga talent na inalagaan nila at maging si Gary V. mismo. Magtataka pa ba tayo kung bakit umabot ng 30 taon sa industriya ang isang Gary Valenciano?
Daniel matatahimik na sa mga espekulasyon
Sa ginawang pag-amin ni Kris Aquino ng relasÂyon nila ni Mayor Herbert Bautista, mananatili na laÂmang isang kaibigan si Daniel Matsunaga sa preÂsidential sister. It seems na mukha namang hindi makakaapekto si Mayor Bistek para makita pang madalas ang Brazilian Japanese hunk sa pograma ni Kris. It seems genuine naman ang namuong friendship sa kanila ni Kris so much so na napaghinalaan pa silang may relasyon.
Mukha namang talagang mabait si Daniel who was very attentive to Erich Gonzales nang sabay silang mag-guest sa show ni Kris. Kung hindi nga lamang open si Erich sa pagsasabing happy siya sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend of many years ay sasabihin n’yong may chance rin silang maging couple.
Saan pa kaya tayo ligtas?
Nakalulungkot at nakakatakot din ’yung naging pagkamatay ng isang mamamahayag sa loob mismo ng kanyang bahay. Akala ng lahat ay sa labas ng bahay nila lamang sila dapat mag-ingat pero ang ginang na pinatay ay pinasok pa ng salarin sa loob ng kanyang bahay para mapatay.
Kailangan na talagang magkaro’n ng katapusan ang mga ganitong krimen para naman mapanatag ang loob ng lahat. Kung maski sa loob ng bahay ay hindi tayo ligtas, saan pa tayo pupunta? At kailan tayo makakaasa sa proteksiyon ng ating pamahalaan, lalo na ng ating kapulisan?
- Latest