^

PSN Showbiz

Kris hindi nagpatalbog sa Game of thrones

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Talaga raw hindi nagpatalbog si Kris Aqui­no sa premiere ng season 4 ng inaabangang serye sa HBO na Game of Thrones. Ang Game of Thrones ang kinababaliwang pano­orin ngayon ng maraming Pinoy. At last Monday night ay nagbabalik ito sa fourth season na ang balita ay nakakuha ng mas maraming viewers maging sa bansa.

Sinabayan kasi ni Kris sa Aquino and Abunda Tonight ang pag-amin niya with matching statement pa ang tungkol sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kaya ang kuwentuhan, magaling talaga si Kris. Imagine, naisabay niya raw sa pagbubukas ng bagong season ng Game of Thrones ang latest update sa kanyang love life?

Bukod sa status nila ni Bistek ay nabuo rin ang pamilya nila ni James Yap sa birthday ni James “Bimby” Yap, Jr. kahapon.

 

Coverage ng Yolanda ng GMA pinarangalan ng Peabody

Pinarangalan ng prestihiyosong George Foster Peabody Award ang special covera­ge ng GMA News sa pananalasa ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013. Ito na ang ika-apat na Peabody award ng Kapuso Network, pati na rin ng bansa.

Patuloy ang naging pag-uulat ng GMA news teams mula sa buong rehiyon ng Visa­yas sa harap ng paghagupit ng super typhoon Yolanda na kumitil sa buhay ng libu-libong katao sa loob lamang ng ilang minuto.

Pagkatapos nito ay naging pahirapan na rin ang linya ng komunikasyon at maging supply ng pagkain at tubig. Gayunpaman, hindi na­ging hadlang ang mga ito upang patuloy nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga mamamahayag.

“Facing logistical challenges and sharing in the national shock in the face of what may have been the most powerful typhoon in history, GMA news teams provided desperately needed spot news coverage and information, gaining strength and perspective as they worked, and followed up with solid reporting on the aftermath, heroic acts and relief efforts,” ayon sa Peabody Awards Board sa pagkilala nito ng special coverage ng GMA News.

Kabilang sa special coverage na ito ang mga entry mula sa newscasts na 24 Oras, 24 Oras Weekend, Saksi, State of the Nation, at ang public affairs magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kinikilala ang George Foster Peabody Awards bilang broadcast and electronic media equivalent ng Pulitzer Prize.

Ang ika-73 Annual Peabody Awards ceremony ay gaganapin sa Mayo 19 sa New York City.

 

Theme songs ng pelikula ng Star Cinema pinagsama-sama

Kiligin, maiyak, at ma-in love sa 20th year comme­morative album ng Star Cinema na naglalaman ng 31 timeless movie theme songs na naging bahagi ng kuwentong buhay ng mga Pilipino sa loob ng da­la­wang dekada.

Sa ilalim ng produksiyon ng Star Records, ang 20: The 20th Year Commemorative Album ay isang two-disc package na hitik sa musikang tiyak na magpapabalik-tanaw sa lahat sa mga hindi ma­lili­mutang istorya, karakter, at linya ng mga de-kalib­reng pelikulang nilikha ng kumpanya.

Carrier single ng album ang bersiyon ni Lani Mi­salucha ng Starting Over Again, ang theme song at titulo rin ng box-office movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Sariwain ang Hanggang Kailan Kita Mamahalin (Madrasta) at Kung Ako Na Lang Sana (Kung Ako Na Lang Sana) ni Sharon Cuneta; Kailangan Kita (Kailangan Kita), Ikaw Lamang (Dubai), How Did You Know (All My Life), at Where Do I Begin (In the Name of Love) ni Gary Valenciano; at Fallin’ (Catch Me... I’m in Love) at Something New in My Life (In My Life) ni Sarah Geronimo.

Patugtugin ang 20 album at damahin ang magic ng iconic couples ng Star Cinema na sina Popoy and Basha sa saliw ng I’ll Never Go (One More Chance) ni Erik Santos; Jed at Angie sa pag-awit ni Yeng Constantino ng Hawak Kamay (Kasal, Kasali, Kasalo) at Habambuhay (Sakal, Sakali, Saklolo); at Mr. and Mrs. Miggy and Laida Montenegro sa love hits ni Sarah na A Very Special Love at You Changed My Life in a Moment.

Bahagi rin nito ang The Gift (Milan) at Don’t Give Up on Us (Don’t Give Up on Us) ni Piolo; I’ll Just Fall in Love Again (Born to Love You), You’re My Home (Way Back Home), at Without You (One More Try) ni Angeline Quinto; Now That You’re Gone (No Other Woman) at I Love You, Goodbye  (I Love You, Goodbye) ni Juris; Chasing Cars (The Mistress) at And I Love You So (And I Love You So) ni Sam Milby; at Miss You Like Crazy (Miss You Like Crazy) at You are My Song  (A Moment in Time) ni Erik Santos.

Ang 20: The 20th Year Commemorative Album ng Star Cinema ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. (SVA)

ERIK SANTOS

GAME OF THRONES

GIVE UP

I LOVE YOU

I LOVE YOU SO

KAILANGAN KITA

LOVE

SHY

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with