^

PSN Showbiz

Du Brothers at Showbiz Royalties kusang umalis ng Biggest Loser Doubles camp, umaming nandaya sa pagpapapayat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kusang loob na iniwan ng Du brothers na sina Ralph at Christian at showbiz royalties na sina Pat at Cathy ang kumpetisyon sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles matapos silang mahuli at umaming lumabag sa mga patakaran at adhikain ng programa.

Sa kontrobersyal na episode noong Sabado (Apr 5), inamin ng apat na contestants na nagdala sila sa loob ng camp ng junk food at sigarilyo, at maging weight loss supplement gaya ng slimming tea para tulungan silang magbawas ng timbang kahit na alam nilang mahigpit na ipinagbabawal ang mga ito.

 â€œI admit na napakalaki ng kasalanan. Walang maganda sa ginawa ko. Na-test na ang integridad ko, wasak na. It was really wrong to put up with all the lies,” pahayag ni Ralph. 

“Hinihintay ko pong magkamali. Siguro ito ‘yung way para maintindihan ko ang sarili ko. Sa mga nasaktan ko, ipapakita ko sa inyo na matututo ako,” sabi naman ni Christian. 

Bago pa man inimbestigahan ng programa ang ginawang pandaraya ng Du brothers at showbiz royalties, lumalabas na nagkakutob na ang ibang contestants ukol dito ngunit pinili na lang na tumahimik sa ngalan ng pakikisama at dahil wala silang matibay na ebidensiya laban sa mga ito.

Humingi naman ng tawad si Cathy sa kanyang kapwa contestants, “Alam kong marami akong na-disappoint – ang parents ko, ang Biggest Loser, ang coaches, ang contestants, ang lahat na naniwala sa akin, kahit si Ate Pat. Hindi worth it ang ginawa ko. Dapat nagpakatotoo na lang ako sa sarili ko. I can’t even express how sorry I am to you, guys.”

Dagdag ni Pat, “I don’t want this to define me, kasi hindi ito ang totoong ako. Gusto kong maalala ako ng mga tao na siya ‘yung nagkamali pero buong loob niyang hinarap at taas-noo siyang bumangon.”

Luhaang ipinahayag ng ibang natitirang bigating doubles na sina Kayen, Osie, at ang magkapatid na sina Bryan at Ikya ang kanilang pagkalungkot at poot sa ginawa ng kanilang mga kasama, ngunit sinabing mananatili pa rin silang magkaibigan.

Naging emosyonal din ang host na si Iza Calzado, pati na ang fitness coaches na sina Jim at Toni Saret, na inaming nasaktan sila at nanghihinayang lalo na’t itinuturing na nilang pamilya ang mga ito.  

Mainit na pinag-usapan sa social media ang nasabing episode kung kaya’t nag-trend ang opisyal na hashtag nitong #BLViolations sa Twitter.

Sa pamamaalam nina Ralph, Christian, Pat, at Cathy mula sa camp, magbabalik naman ang ibang bigating doubles na natanggal na sa kumpetisyon upang ipagpatuloy ang kanilang “Biggest Loser” journey. Sinu-sino kaya ang mga ito?

 

ALAM

ATE PAT

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER PINOY EDITION DOUBLES

DAGDAG

DAPAT

IZA CALZADO

TONI SARET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with