^

PSN Showbiz

Jasmine may tampo kay Sam?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakapagtataka ba ito eh ‘di ba may kasabihan na blood is thicker than water? Bagama’t wala namang sinasabing anuman si Jasmine Curtis Smith tungkol sa naging kaganapan between her sister Anne Curtis and her boyfriend Sam Concepcion, ipinalalagay ng marami na ang tampo niya sa mga hindi magagandang komento ng lahat tungkol sa muntik na pagkamatay ni Anne nang makaengkuwentro ito ng killer dikya at ang hindi niya pagsasalita sa naging engkuwentro naman ng kapatid niya at nobyo sa birthday party ni Vice Ganda ay sapat nang patunay kung saan naroon ang kanyang loyalty. Huwag n’yong sisisihin si Jasmine sa pananahimik niya o kung pumanig man ito kay Anne.

“I don’t want to talk about it. Baka lumaki pa ang isyu and I promise them that I won’t talk about it,” paliwanag ng nakakabatang artista.

 Although still recuperating from her mishap, gusto nang balikan ng sister ni Jasmine ang kanyang trabaho sa Dyesebel. Madali namang matakpan ng make-up ang mga pula niya sa katawan pero ang kuwestiyon, kakayanin ba niya ang trabaho? Hindi ba hahapdi ang balat niya kapag nadantian ng tubig alat?

Kris tuwang-tuwa na naman na pinagpipiyestahan sila ni Herbert

Balitang-balita at may kalakip pang larawan ang ipinoste ni Kris Aquino sa Internet na family bonding time nila ng kanyang mga kapatid kasama ang lala­king sinasabing bagong pag-ibig niyang si QC Mayor Herbert Bautis­ta na nakaupo pa sa kabisera ng ka­nilang mesang kinainan.

I’m sure tuwang-tuwa na naman ang presidential sister dahil naka­gawa na naman siya ng paraan para siya mapag-usapan at mailigaw ang kan­yang mga tagasubaybay sa kung ano ang totoo sa kanyang love life. Ba­ga­ma’t marami ang ayaw pa ring tanggapin na item sila ni Mayor Herbert dahil nga may Tates Gana ito na ina ng kanyang mga anak at hindi naman kilala si Kris bilang isang homewrecker na anuman ang sabihin niyang wala itong asawa, it doesn’t take a marriage certificate para sabihing may pamilya ang boyfriend niya dahil matagal na rin ang relasyon ng partner niya sa ka-partner nito at hindi sila hiwalay kung kaya hindi pagtatakhan ng marami kung, bigla na lang, isang araw, ay i-announce ni Kris ang identity ng kanyang sikretong labs.

Siyam na taong relasyon nina Joshua at Jopay mauuwi na sa kasalan

Kahit tatahi-tahimik sila ay mauuwi rin pala sa ka­­­­sa­lan ang siyam na taon na relasyon ng dalawang dancer na sina Joshua Zamora ng Maneuvers at Jopay Paguia ng Sexbomb. Hiwalay na sa mga grupo nila at may kanya-kanya ng sariling career path pero bilang mga dancer din. Si Jopay ay paminsan-minsan ay nakikitang umaarte sa mga te­le­serye at regular na ring napapanood sa Banana Nite kasama ang mga orihinal na miyembro ng Sexbomb dancers.

Ikakasal ang dalawa sa isang Christian ceremony na magaganap sa buwan ng Hunyo.

 

ANNE CURTIS

BANANA NITE

JASMINE CURTIS SMITH

JOPAY PAGUIA

JOSHUA ZAMORA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with