Summer may kasamang ulan
Summer na naman at kahit paminsan-minsan ay umuulan, mas okay na ito kaysa naman masunog tayong lahat sa sikat ng araw. Hindi naman palaging gaÂnito. Mas maraming araw naman ang walang ulan at hindi ganun katindi ang init. Talaga lang na dito sa atin ay dapat umasa tayo sa biglang pagbabago ng panahon. ’Yun ang normal na kalakalan ng panahon sa ating bansa. Hindi tuÂluy-tuloy ang pagsikat ng araw, bagama’t tuwing panahon ng ulan ay hindi lumalabas ang araw pero walang pagluha ng langit.
Enjoy-in na lang natin ang bakasyon.
James bidang-bida na uli kay Kris
Mukhang ang pinaghahandaan ngayon ni Kris Aquino ay ang birthday ng kanyang bunso. Ito ang bukambibig niya kapag pinanonood ang programa niya sa TV, ang birthday ni James “Bimby†Yap, Jr. na mukhang magiging masaya ngayon dahil welÂcome ang kanyang amang si James Yap at maging ang ItalÂyanang girlfriend nito.
Dati walang naririnig kay Kris tungkol kay James. Ni ayaw nga niyang pag-usapan ito puweÂra na lang kung may dapat siyang ipaliwanag tulad ng reklamo nito na hindi nito madalas makita si Bimby. Kanyang-kanya lang ang anak nila. Now, she shares him with James at masaya sila. Kung ito ang magandang naiduÂdulot sa kanilang lahat ng bagong pag-ibig ni Kris, James could only thank Kris’s unidentified man for this big change.
Antoinette walang masamang balak kay Dingdong
Huwag nang intrigahin pa sina Antoinette Taus at Marian RiveÂra, wala silang dapat pag-awayan pa kay Dingdong Dantes.
Wala namang hindi magandang salita na nariÂrinig mula kay Antoinette tungkol kay Dingdong o maging sa karelasyon nitong si Marian. Katunayan, open siya sa pakikipagtrabaho sa kanila.
Wala ring problema kung magkita-kita sila. Sabi nga ni Antoinette, nakaraan na ’yung episode nila, matagal nang tapos. Natanggap na nga niya ito. Iniintriga lang sila ng tao.
So, kayo, narinig n’yo ito, nabasa n’yo? Tigilan n’yo na ang pang-iintriga at hayaan n’yo silang magkita-kita na parang walang anumang namagitan sa kanila in the past.
- Latest