Boy Abunda umatras na sa pulitika dahil sa inang may sakit
Parehong mahal ng King of Talk na si Boy Abunda ang nagkakatampuhang magkaibigang Kris Aquino at AiAi delas Alas at hindi siya puwedeng mamili ng kakampihan sa dalawa dahil parehong matimbang ang mga ito sa kanyang puso.
Boy is not only Kris’ best friend and confidante kundi tumatayo rin niya itong consultant and business manager sa kanyang mga product endorsement. Si AiAi naman ay ama-amahan ang turing kay Boy na siya rin niyang manager up to now. Mag-best friends din sina Kris at AiAi hanggang sa magkaroon ng matinding tampo ang huli sa kanyang BFF (as in best friend forever). Kung tutuusin, may magagawa si Boy para maging bridge ng pagkakabati ng daÂlawa pero ayaw niya muna itong panghimasukan dahil alam naman niya na magkakabati rin ang dalawa in due time. Alam din ni Boy na mahal ni Kris ang kanyang BFF at ganun din naman si AiAi.
Speaking of Boy, marami ang nalungkot lalung-lalo na ang aming mga kababayan sa Eastern Samar dahil pansamantalang mauudlot ang pagtakbo ni Boy sa pagka-governor ng Eastern Samar sa darating na 2016 elections as what he announced before. Ang pagbabago ng desisyon sa pagpasok sa pulitika ni Boy ay may kinalaman sa kanyang may sakit na ina na si Nanay Lising.
Kung tutuusin, Boy is a sure winner hindi lamang bilang gobernador ng Eastern Samar. Kahit pa national position ang kanyang asintahin ay malaki ang kanyang chance na manalo. Pero kung saka-sakaling papasukin ng TV host-manager ang pulitika, mas gusto niya ang local position dahil gusto niyang matulungan ang kanyang mga kababayan sa kanilang probinsiya. Kasalukuyang mayor ng Borongan City, Eastern Samar ang nakatatandang kapatid ni Boy na si Fe Abunda. Nagsilbi ring vice mayor ng nasabing siyudad ang ina ni Boy na si Nanay Lising.
Sa pag-atras ni Boy sa 2016 local elections sa Eastern Samar, nabuhayan ang ibang political aspirants sa nasabing lugar.
Maxene naunahan pa ni Saab ma-engaged
Ang nakababatang kapatid ni Maxene Magalona na si Saab Magalona ang pinakabagong karagdagan sa listahan ng magpapakasal sa taong ito. Kamakailan lamang ay nag-propose ang musician boyfriend ni Saab na si Jim Bacarro at ito’y nangyari pa sa Tokyo, Japan kung saan nagbabakasyon ang Magalona family kasama si Jim.
May basbas na ang biyuda ni Francis Magalona na si Pia Arroyo-Magalona sa pagpapakasal ng dalawa. Si Saab bale ang una sa mga anak na mag-aasawa. Naunahan pa nito ang panganay nilang si Maxene.
Si Elmo Magalona naman is said to be going steady with estranged couple Ramon Christopher and Lotlot de Leon’s daughter na si Janine Gutierrez.
Sayang nga lamang at wala si Francis M. para saksihan ang pakikipag-isang dibdib ni Saab sa magiging mister nito.
- Latest