Antoinette nagsalita na sa ‘anak’ nila ni Dingdong
Magkasundo raw hanggang ngayon ang dating magkasintahan na sina Antoinette Taus at Dingdong Dantes. Wala ring problema kung sakaling magkrus ng landas ang dalawa.
“Wala namang problema. Everything is good with us, we’re friends. We never lost touch and talagang friends naman kami eh. Everything’s great, mahilig lang mang-intriga ’yung mga tao. Hindi pa kami nagkaroon ng opportunity na magkita or magsama but I’m sure that it’s going to happen eventually,†pahayag ni Antoinette.
Wala raw isyu para sa dalaga kung mabibigyan siya nang pagkakataong makatrabaho ang kasintahan ngayon ni Dingdong na si Marian Rivera.
“Sana makapag-meet na kami para at least makita ng mga tao na walang problema. Walang issue, na everything is really good. ‘Yung sa amin ni Dingdong tapos na a long time ago. This is their chapter now and I’m happy for them,†giit ng dalaga.
Napabalita noon na kaya umalis sa Pilipinas si Antoinette ay dahil diumano’y nabuntis siya ni Dingdong.
“No. Natatawa na lang din ako kasi parang ever since hindi na rin natapos ’yung issue. If ever, I did ever have a child, sasabihin ko naman sa publiko. Hindi ko naman itatago. Siyempre I’ll be proud of the child,†paliwanag ni Antoinette.
Jane masaya sa tagumpay ni Julia
Hindi pa man nagkakaroon ng launching project si Jane Oineza ay masaya naman daw ang dalaga dahil mayroon pa rin siyang trabaho. Matatandaang naging nominado si Jane bilang best actress sa 2013 New York Festival para sa kanyang natatanging pagganap sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
“2014 has been so far so good. I’ve been doing ASAP Chill-Out a lot. I’ve been hosting there and sa ASAP din, doing production numbers and stuff. May dapat silang abangan na hindi ko pa puwedeng sabihin. But hopefully this year,†nakangiting bungad ni Jane.
Kasabayan ng aktres sa Star MaÂgic Circle si Julia Barretto na ngayon ay nagbibida na sa teleseryeng Mirabella. Natutuwa raw si Jane para sa kanyang kaibigan na marami rin ngayong product endorsements.
“Julia Barretto is my best friend and ang wish ko sa kanya, sana lahat ng wishes niya for 2014 will come true and I hope na magtagal pa friendship natin. I just wish her good luck on everything,†giit niya.
Kahit maraming suÂmisikat na teen actress ngayon ay maipagmamalaki raw ni Jane na mayroon siyang kaibahan sa mga ito.
“I think siguro when it comes to acting kasi I take it really seriously and laging ibinibigay ‘yung best ko and kung ano ’yung hinihingi sa akin palagi kong sinusubukan. Kung hindi man magawa ‘yung gusto nila sa akin eh gusto ko malampasan pa ‘yun. I think ’yun siguro ang different from me and the others,†pagtatapos ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest