Kris at Vic hindi na uli puwedeng mag-partner sa pelikula
Mukhang malabong magkaroon ng Part 2 ang My Little Bossings sa darating na Metro Manila Film Festival dahil may gagawing pelikula si Kris Aquino under Star Cinema na pagsasamahan umaÂno nila ni Vice Ganda. Sina Kris at Vice Ganda ay nagkasama na sa isang MMFF movie two years ago, ang top-grosser na Sisterakas with AiAi de las Alas.
Magiging posible lamang marahil ang My Little Bossings Part 2 o bagong proyekto na muling pagsasamahan nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Bimby (James Yap, Jr.) kung co-producer lamang si Kris sa movie at papayagan niyang muli na gumawa si Bimby ng movie with Vic and Ryzza Mae. After all, walang exclusive contract si Bimby with any TV and movie outfit.
Sa pagkakaalam namin, part ng baÂgong kontrata ni Kris sa ABS-CBN ang kanyang pagiging exclusive star din ng Star Cinema na siyang film outfit ng Kapamilya Network.
Sinabi ni Kris na may tatlong offers umano na movie para kay Bimby pero hahayaan muna raw niya ang kanyang bunso na mamili kung alin ang kanyang papaboran.
Vhong ayaw lubayan ng problema
Kung kelan unti-unti nang nakakabangon ang dancer-turned comedian-TV host na si Vhong Navarro sa trauma na kanyang pinagdaanan ay saka naman siya ayaw lubayan ng mga problema. Matapos siyang sampahan ng kasong rape nina Deniece Cornejo at Roxanne Cabañero, isa na namang babae ang umano’y nagsampa ng rape laban sa dating mister ni Bianca Lapus.
Sa kabila ng bagong problemang kinakaharap ni Vhong, positibo ang kanyang pananaw na ito’y kanyang malulusutan dahil wala umanong katotohan ang mga bintang sa kanya.
Come April 19 ay nakatakdang ipalabas ang bagong movie ni Vhong under Star Cinema, ang Da Possessed kung saan niya kapareha ang seksing singer-actress na si Solenn Heussaff mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.
Gretchen nagpapaka-stage mother
Biniro namin si Gretchen Barretto as the new stage mom sa media launch ng mga bagong celebrity endorsers ng Bench Body WhiteÂning Lotion na sina Samantha Rodriguez, Dominique Cojuangco at Addie Manzano. Si Samantha ay anak ng yumaong actor na si Miguel Rodriguez, si Dominque ay kaisa-isang anak nina Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto at si Addie Manzano naman ay anak ni Edu Manzano. Hindi nga lamang nakadalo sa nasabing launch si Addie sa hindi malamang dahilan.
Tawa nang tawa si Gretchen sa bagong tag namin sa kanya at a hearing distance ng kanyang longtime partner na si Tonyboy.
Wala pang 6 p.m. nang dumaÂting sa Bench Tower building sina Gretchen at Tonyboy para suportaÂhan ang kanilang dalaga na bumalik din kaagad ng London kinabukasan (April 6) dahil dun siya nag-aaral. Dumating din sa launch ang kapatid ni Gretchen na si Marjorie Barretto kasama ang kanyang teenstar daughter na si Julia Barretto para suportahan si Dominique.
Dumating din ng gabing `yon ang Bench celebrity icon na si Richard Gomez na kararating lamang galing Korea kung saan ito nagsanay ng volleyball.
- Latest