ABS-CBN nanguna pa rin noong Marso
MANILA, Philippines - Nanguna pa rin sa ratings ang ABS-CBN noong Marso. Pumalo ng 44% ang audience share ng ABS-CBN, o sampung puntos na mas mataas sa 34% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.
Pinakatinutukan ang ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) na pumalo sa average audience share na 48%, o 15 puntos ang lamang sa 33% ng GMA.
Panalo rin ang Primetime Bida ng ABS-CBN maging sa ibang lugar gaya ng Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) na may 52% average audience share; sa Visayas na may 62%; at sa Mindanao na nagtala ng 63%.
Nasimot naman ng Dos ang sampung pwesto sa top ten na pinakapinanood na mga programa sa buong bansa noong Marso. Kabilang dito ang Got To Believe (34.6%), Honesto (34.2%), Dyesebel (32.2%) Wansapanataym (31.3%), Maalaala Mo Kaya (28.9%), TV Patrol (28.2%), Ikaw Lamang (27.6%), Bet On Your Baby (26.7 %), Annaliza (22.9%), at Rated K (22.6%).
Pinatunayan ng Got To Believe at Honesto ang pamamayagpag nito hanggang sa huli ng humataw sa national TV ratings ang huling episodes nito at pumalo ng 38.6% at 35.4%. Mainit namang inabaÂngan ng mga manonood ang pagbabalik ni Dyesebel sa telebisyon na nagtala ng 32.2%, o halos 15 puntos ang agwat sa Kambal Sirena (17.9%) ng GMA.
Wagi rin sa ratings ang pilot episodes ng iba pang bagong programa ng ABS-CBN na Ikaw Lamang (27.4%), Mira Bella (22%) at Moon of Desire (16.6%). Kapit na kapit din ang mga Pilipino sa pagbabalik ng Meteor Garden.
Panalo naman ang The Singing Bee sa bago nitong timeslot mula Lunes hanggang Biyernes ng umaga matapos itong makakuha ng average national TV rating na 15.9%, It’s Showtime (14.8%).
- Latest