^

PSN Showbiz

Akala ko mamamatay na ako’ - Anne

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Grabe pala talaga ang nangyari kay Anne Curtis. Akala pala niya ay mamamatay na siya dahil sa dikya kung saan siya kinapitan habang nagti-taping sa Batangas.  Hindi pala siya nakahinga ng maayos at parang namanhid ang legs pagkatapos.

“Good Morning everyone!!!! Feeling a bit better today! Praise God! After reading some of the other articles you guys found & tweeted me, I really feel I’ve been given a 2nd chance at life,” sabi ni Anne sa kanyang Twitter account.

“The doctors told me I’m very lucky. The last case they had come in with the same case, a box jellyfish sting, the girl was out straight into the ICU. It’s quite a scary thought. When we were on our way to the local and closest hospital near our set, I noticed that I couldn’t feel my legs & slowly couldn’t breathe properly. I thought I was going to die,” dagdag niya.

“Thank you Lord for giving me and my heart the strength to survive this. Thank you to everyone that has sent their well wishes and messages of concern.. Means a lot to me. This is the closest I’ve ever been to death and I’ve never been so afraid in my life.. Thank you again Sweethearts for all the love & support. (love),” dagdag ni Anne.

Hanggang sa kasalukuyan ay mino-monitor pa rin daw ang heartbeat nito at kailangan pang mamahinga.

Gary hahataw sa ARISE

Icu-culminate ni Gary Valenciano ang kanyang 30th anniversary sa industriya sa isang two-night benefit concert na pinamagatang ARISE Gary V 3.0 ngayong darating na Abril 11 at 12 sa Araneta Coliseum para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Ayon kay Gary, ang Arise ay ang pinamalaking musical event ngayong summer season lalo na nga’t masisilayan dito ang mga pinagdaanan niya bilang singer/songwri­ter, actor, record producer/arranger, at TV host sa loob ng tatlong dekada.

Babalikan din ni Gary sa concert ang hit songs na kinabibilangan ng mga romantic ballads, inspirational songs, at energy-packed dance anthems na siyang dahilan kung bakit siya napamahal sa kanyang loyal fans.

Iti-trace din sa concert ang musical roots ni Gary mula noong early 80s.

Para sa kanyang mga tagahanga, hindi lamang isang Pinoy pop-culture icon si Gary sapagka’t kinakatawan din niya ang pag-asa ng mga tao dahil sa kanyang longtime 35-year battle laban sa Type 1 juvenile diabetes na itinuturing na milgaro dahil nalampasan niya ito na walang complications.

Sa paglipas ng panahon, naging larawan siya ng pag-asa dahil nga naging normal ang sistema ng kanyang buhay sa kabila nang kanyang karamdaman.

Makakasama niya sa Arise ang tatlong anak nila ni Angeli na sina Paulo, Gab at Kiana.

For ticket inquires visit Ticketnet Online at www.ticketnet.com.ph o tumawag sa 911-5555.

ANNE CURTIS

ARANETA COLISEUM

GARY

GARY V

GARY VALENCIANO

GOOD MORNING

KANYANG

PRAISE GOD

TICKETNET ONLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with