Sarah, apl.de.ap, Enrique, at Elmo confident sa moves
MANILA, Philippines - May bagong kanta na madalas nang marinig sa radyo at paboritong music channel at pinag-uusapan na rin sa ilang blogs at tweets. Ito ang tinatawag na Do the Moves, ang bagong single na Rexona anthem ngayon nina Sarah Geronimo, apl.de.ap, Enrique Gil, at Elmo Magalona.
Ang kanta ay siguradong makakapagpasayaw sa sinumang makakarinig nito. Pero higit sa lahat, nagdadala ito ng mabigat na mensahe na magbibigay insÂÂpirasyon sa bagong henerasyon — ang magkaroon ng confidence at self-exÂpression.
Ang Do the Moves ang pinakabagong theme song ng summer campaign ng Rexona na tina-target ang teenagers lalo na sa magbabarkada.
“Song and dance is always a good way to appeal to teens, especially with the rising popularity of dance music. It’s a really fun and upbeat song that, I hope, will get people dancing and encourage them to Do the Moves and Do More,†sabi ng Rexona brand manager na si Mar Corazo.
Ang mga Do More endorser na sina Sarah, apl, Enrique, at Elmo ay malaki ang magagawa para maging role ng mga Pinoy teenager. Mas maÂeÂengganÂyo silang maging aktibo sa larangan ng pagsasayaw at pag-express ng sarili lalo na ngayong summer nang hindi napapabayaan ang pag-aalaga sa katawan.
“We wanted to impart the importance of daily hyÂÂgiene to teens in a fun and exciting way,†said Corazo.
Ang “pa simple moves†ay isang simple at masaÂyang paraan para ma-check ng kabataan kung sila ay always dry at fresh pa.
Dagdag pa ni Corazo, “This comes from the insight that people do check their underarms subtly, or the term pa-simple in Filipino.â€
Nagpaplano rin ang Rexona na mag-launch ng piÂnakamalaking teen dance competition na magkakaroon ng dance tours, audition process, elimination rounds, at finale na magtatapos sa July.
Excited si Sarah na makiisa sa layunin ng Rexona. Naniniwala ang Pop Princess na ang mga teenager talaga ang dapat tutukan na ma-develop ang kanilang bilib sa sarili at mailabas ang kanilang mga ideya.
- Latest