^

PSN Showbiz

Anne sinita sa pambabae si Sam; Aktres nagtanggal pa ng mga alahas, mga bisita ni Vice sa birthday party ‘natakot’ kay BIR Commissioner Henares

Pilipino Star Ngayon

May nakakaaliw palang pangyayari sa birthday party ni Vice Ganda last Sunday night sa 71 Gramercy.

Dumalo pala sa nasabing party si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares kasama ang kanyang husband na si Mr. Daniel Henares .

At ang nakakaaliw na part, lahat ng mga artistang bisita ni Vice, iwas na iwas daw sa BIR commissioner sa takot na baka sila raw ang isunod na imbestigahan ng BIR dahil sa magaganda nilang suot na damit, alahas, gamit na bag, o kung anu-ano pa ayon sa isang source.

Lahat daw nang dumating na artista, hi and hello lang kay Commissioner Henares, konting beso at konting hi at saka lumalayo na ng table.

Meron pa nga raw isang aktres na tinanggal ang mga suot na alahas nang matunugang nan­dun ang hepe ng BIR sa takot na masilaw sa mga alahas niya. Kaya pagbati raw ng aktres kay Commissioner Henares, waley itong suot na mga alahas.

‘Yung isang aktres naman daw ay hindi nakilala ang hepe ng BIR, ipinagtanong pa raw nito sa isang actor kung sino dahil nga nilalapitan ng mga bisita. At nang malaman niya kung sino, agad daw nakipagtsikahan ang aktres.

Hindi naman daw gaanong nagtagal ang BIR chief sa party. Konting picture-picture lang at nag-goodbye na ikinatuwa raw ng ibang artista na nasa party na hindi makagalaw ng natural dahil pa­talbugan nga naman sila ng mga damit, sapatos, bag, at mga suot na alahas pero natatakot naman silang makita raw ‘yun ng hepe ng BIR.

Nagsimula raw maging magkaibigan sina Vice at BIR chief nang i-guest ang huli sa programa ni Vice na Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN. Ang sabi kasi ng source, next in line na raw sana si Vice sa uuriratin ng BIR. Kaso naagapan daw kaya naayos ang problema.

Isa pang pinag-uusapan ngayon na nangyari sa birthday party ni Vice ay ang umano’y paninita ni Anne Curtis sa nababalitang boyfriend ng kapatid na si Jasmine, si Sam Concepcion.

Ang sabi sa report ng PEP nag-dialogue daw si Anne sa Kapa­milya actor : “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!

“Ba’t mo niloloko ang kapatid ko?”

Pero agad itong itinanggi ng reliable source na tinawagan ko tungkol sa isyu. “Hindi totoo ‘yan. Si Anne naman umaamin naman siya pag totoo. ‘Di ba ‘yung nangyari naman sa kanila ni John Lloyd (Cruz), siya naman ang unang umamin.

“Basta ang totoo lang dun, ‘yung sinita niya sa pambabae si Sam,” kumpirma ng kausap kong source sa telepono kahapon.

Dagdag pa sa report, nilait din daw ni Anne ang sasakyan ni Sam.

Again idinenay din ng source ‘yun.

Ayon pa sa report ng PEP wala naman daw planong magsalita si Sam.

Kaya lang lumalabas na niloko ni Sam si Jasmine. Grabe naman.

James Reid umaapaw ang lakas sa diary ng panget

My goodness, grabe ang lakas ng screen presence ni James Reid na isa sa mga bida ng pelikulang Ang Diary ng Panget na mag-uumpisang ipalabas sa mga sinehan ngayon araw.

Umaapaw ang kaguwapuhan.

Bagay na bagay sa kanya ‘yung character na ‘monster’ na amo na nainlove sa kanyang personal maid sa pelikula na Graded B ng CEB.

Sana nga ay bigyan siya ng solo movie ng Viva Films. Konting push lang sa kanya, tiyak na sisikat siya at tiyak na may mga aktor na mauungusan.

Bakit hindi kaya siya kunin ng GMA 7 para naman hindi puro tungkol sa lovelife ni Aljur Abrenica ang balita tungkol sa kanila?

Galing sa Pinoy Big Brother si James pero hindi masyadong nabigyan ng attention ng Kapamilya Network kaya pumirma ng kontrata sa Viva Artist Agency. (SVA)

 

ALJUR ABRENICA

ANG DIARY

BIR

COMMISSIONER HENARES

DAW

JAMES REID

NAMAN

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with