Sikat na TV at radio personality iniimbestigahan din sa datung na umano’y kinita sa PDAF
MANILA, Philippines - Inimbestigahan pala ngayon ang isang radio and TV personality sa isyu ng PDAF ng kanyang home network. Malakas kasi ang ugong na umano’y kasali ang pangalan ng nasabing sikat na radio ang TV persoÂnality kaya under investigation daw ito at kinukumpirma kung totoo ang lumulutang na balita na umano’y may tinanggap din itong datung sa kontrobersiyal na pondo ng ilang opisÂyal ng pamahalaan.
Bigla raw kasi itong nagkanegosyo at natutulungan ang buong pamilya na hindi naman daw dati nito nagagawa.
Kaya ‘wag raw tayong magulat kung mawawala ito sa ere, ‘yun dººaw ‘yun.
Bukod daw ito sa dalawang pangalang lumutang kamakailan lang.
Second major concert ni Daniel super rakrakan
Astig na birthday celebration ang handog ng Teen King ng Philippine showbiz at multiplatinum-selling recording artist ng Star Records na si DaÂniel Padilla sa kanyang pangalawang major concert na pinamagatang DOS: The Daniel Padilla Birthday Concert at the Big Dome.
Matapos ang kanyang sold-out Daniel Live! debut concert noong nakaraan taon, patok na DJP sophomore album, at dahil na rin sa matinding public demand, magbabalik si Daniel sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 30 (Miyerkules) para sa isang gabing puno ng rakrakan at kasiyahan—tatak DJP! Kakantahin ni Daniel ang mga bago at lumang old school rock songs na malapit sa puso niya gaya ng One Way or Another ng Blondie, Something ng The Beatles, at You Really Got Me ng Van Halen.
Makikipag-jamming din kay Daniel sa kanyang DOS concert ang OPM rock icon na si Rico Blanco, actor-singer na si Khalil Ramos, ang banda niyang Parking 5, at The Reo Brothers, ang bandang binubuo ng apat na magkakapatid na lumikas mula sa Tacloban matapos salantain ng super typhoon Yolanda.
May espesyal ring production number si Daniel, na ipagdiriwang ang ika-19 na kaarawan sa Abril 26, kasama ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo at iba pang surprise guests.
Sa ilalim ng produksyon ng ABS-CBN Integrated Events at Star Event, ang tickets para sa DOS concert ay nagkakahalaga ng P3,710 (moshpit); P3,180 (VIP); P2,970 (Patron A); P1,275 (Patron B); P745 (lower box); P530 (upper box); at P265 (general admission).
Mike Enriquez nananatiling Kapuso
Nananatiling Kapuso ang multi-awarded news anchor at radio host na si Mike C. Enriquez matapos siyang muling pumirma ng kontrata sa ilalim ng GMA Network.
Kasama sa contract signing na ginanap noong noong March 28 sina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., EVP and CFO Felipe S. Yalong, at SVP for News and Public Affairs Marissa L. Flores.
“Unang una nagpapasalamat ako sa pagtitiwalang pinapakita ng mga taÂgapagsimuno ng GMA,†sabi ni Enriquez . “At itong pagpirma ko ay pagpapakita rin ng pagtitiwala ko sa kasalukuyang pamunuan ng GMA.â€
“Tuloy-tuloy lang po ang pagbibigay namin ng balitang walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang.â€
Ipinahayag din ng pamunuan ng GMA ang kanilang tiwala sa kakayahan ni Enriquez ‘di lamang sa larangan ng pagbabalita kung hindi pati na rin sa pagpapatakbo ng radio operations ng GMA bilang Consultant. “Mike is one of the most decent news anchors na nakilala ko,†sabi ni Gozon. “I’m grateful and gratified na meron pala kaming mutual admiration, na ang tingin niya sa amin ay pareho sa tingin naming sa value niya.
“Mike is one of the most highly-respected and distinguished news and public affairs personalities,†ayon naman kay Duavit. “Over the years, si Mike ay ‘di lamang bahagi ng ating samahan kung hindi ay isang tumatayong poste ng pagiging Kapuso. So nakakatuwa at nakakataba ng puso ang kanyang pagpirma muli sa simpleng dahilan na ito ay nagsisilbing patunay ng kanyang patuloy na pagtitiwala sa himpilan, at sa aming pagbalik ng tiwalang iyon.â€
- Latest