^

PSN Showbiz

Diether nananahimik sa relasyon sa equestrienne

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Halos may isang taon na rin magmula nang huling mapanood si D­iether Ocampo sa Apoy sa Dagat na pinagsamahan nila nina Piolo Pascual at A­ngelica Panganiban. Since then ay hindi pa natin nababalitaan kung meron itong bagong te­leserye o pelikula.

Maging ang love life ni Diet ay tahimik although alam ng marami na ang pamangkin ni Mikee Cojuangco-Jaworski, ang award-winning equestrienne na si Michelle Cojuangco Barrera, ang kasintahan ng actor-singer.

Kung si Jericho Rosales ay nakatakda nang ikasal sa kanyang girlfriend na si Kim Jones ngayong May 1, hinihintay na rin ang marriage proposal ni Diet sa kanyang nobyang si Michelle. Although nakasal na rin noon si Diet sa misis ngayon ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa ay na-annul na ang kanilang kasal.

At 39, nasa marrying age na rin si Diet although meron na itong isang anak na lalaki sa kanyang non-showbiz girlfriend noon.

Vhong gusto nang mag-focus sa trabaho

Ang trabaho at ang suporta ng pamilya at mga kaibigan ang magandang therapy sa traumatic experience na pinagdaanan ng dancer turned actor comedian na si Vhong Navarro na may kinalaman sa pagkakabugbog sa kanya ng grupo ng negos­yanteng si Cedric Lee.

Nasa korte na ang kaso kaya gusto ni Vhong na mag-focus muna sa kanyang trabaho.

Malapit nang ipalabas ang Da Possessed, ang horror-comedy movie ni Vhong with Solenn H­eussaff as leading lady.

Ang sexy actress sanang si Ellen Adarna ang makakapareha ni Vhong pero hiniling daw ng aktor na ito’y palitan dahil kaibigan si Ellen ng controversial businessman na si Cedric.

 

CEDRIC LEE

DA POSSESSED

ELLEN ADARNA

JERICHO ROSALES

KIM JONES

KRISTINE HERMOSA

MICHELLE COJUANGCO BARRERA

MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with