^

PSN Showbiz

Pauleen nagpahaging na kasal ang demand ng magulang kay Vic

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Walang problema si Direk Gil Tejada sa pagdidirek kina Camille Prats at Pauleen Luna dahil kahit magkaaway ang role nila sa The Borrowed Wife, magkaibigan ang dalawa. Hindi nila dinadala off-camera ang away sa screen.

  In fact, “Mars” for Mare ang tawagan nina Camille at Pauleen at nang du­malaw kami sa taping, sa iisang van sila nakasakay from Clark, Pampanga to their second location. Sabi ni Pauleen, kahit drama ang soap nila, magaan magtrabaho dahil walang nag-a-attitude sa kanila, walang nagrereklamo, at walang competition.

’Katuwa ang tsika ni Pauleen na minsang nanonood si Vic Sotto ng The B­orrowed Wife at may kissing scene sila ni Rafael Rosell, nilibang niya ang nobyo at ibinaling sa iba ang mukha. Hindi ito nagseselos, nagtatanong lang.

 â€œOo naman” ang sagot ni Pauleen kung ready na siyang mag-asawa at gusto niya ay church wedding. Pero ayaw pa niya itong isipin at ayaw ma-pressure at wala pa yata silang balak ni Vic.

Okay na sa parents niya sakaling magpakasal sila ni Vic. “Basta pakakasalan ang anak nila,” diin ni Pauleen.

Marian mag-i-speech sa Kongreso

Nasa Kongreso ngayong 9 a.m. si Marian Rivera dahil ia-appoint siyang ambassador for women and children with disabilities. Magde-deliver din ng speech ang aktres at dahil first time niya itong gagawin at first time rin niya sa Congress kaya hindi maiwasang atakihin ng nerbiyos.

Kapag muli kaming nadalaw sa taping ng Carmela at na-interview si Ma­rian, aalamin namin sa kanya kung paano siya napiling ambassador for women and children with disabilities. Tatanungin din namin ito sa mga gagawin at plano niya para matulungan ang sector ng mga kababaihan at mga batang may kapansanan.

Alessandra sawa nang magpakasama

Hindi na “wala pa” ang isasagot ni Alessandra de Rossi ’pag tinanong kung ano ang next soap niya sa GMA 7 dahil nasa cast siya ng Ang Dalawang Mrs. Real. Best friend ni Maricel Soriano ang role nito at madalas silang dalawa ang magka-eksena.

Hindi siguro kontrabida ang role ni Alex na pinagsasawaan na nito at kung bad man ang role, hindi siya sobrang masama. Kundi kami nagkakamali, first time niyang makakasama si Maricel at ang karamihan sa cast ng bagong primetime soap ng Kapuso Network.

Hindi ngayon kundi sa April 2 ang first taping day ng Ang Dalawang Mrs. Real, sa direction ni Andoy Ranay. Reunion ito nina Alex at Lovi Poe na u­nang nagkasama sa Legacy and together with Heart Evangelista, naging close friends silang tatlo.

 

ALESSANDRA

ALEX

ANDOY RANAY

BORROWED WIFE

CAMILLE PRATS

DIREK GIL TEJADA

MRS. REAL

NIYA

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with