^

PSN Showbiz

Mas malakas pa ang dating kay Julia Barretto Diego Loyzaga nakakita na ng ideal girl

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pansamantalang iniwan ni Diego Loyzaga ang showbiz mula nang pagtuunan ng pansin ng binata ang pag-aaral. Nagsimula si Diego sa Mara Clara noong 2011 at ngayon ay kasama ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga sa teleseryeng Mirabella na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Enrique Gil. Kontrabida ang ganap ni Diego sa nasabing proyekto.

“It’s going to be a good challenge. Kung mainis man sa akin ang mga tao I think that’s a good sign kasi ibig sabihin no’n effective ’yung acting ko,” bungad ni Diego.

Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig ay mayroon daw isang inspirasyon ngayon ang young star.

“Liza Soberano is my ideal girl. She’s very sweet. Kinakausap ko kasi siya sa workshop, sobrang sweet ni Liza. She’s very pretty. You can’t find a guy who’ll say she’s not pretty. She’s very, very pretty. She’s beautiful inside and out.

“Like Julia (Barretto) also pero ewan ko, iba ’yung dating ni Liza para sa akin,” pag-amin ng binata.

Kasama rin dapat si Liza sa Mirabella subalit napalitan ang dalaga dahil mayroon itong nakatakdang gawin na ibang proyekto.

Chito nakilala ang mga tunay na kaibigan sa nangyari kay Neri

Kumalat ang balitang nagpakasal na diumano ang magkasintahang sina Chito Miranda at Neri Naig nang tawaging “asawa” ng binata ang aktres sa kanyang social media account. Agad namang nilinaw ni Chito na hindi pa sila nagpapakasal ni Neri.

“I think it’s normal naman for couples na tawag mo sa girlfriend mo asawa mo so they just made a big deal out of it. I guess because it’s social media and a lot of followers siguro nagulat lang pero I think it’s normal kasi kahit no’ng high school kami, tawag namin sa girlfriend namin, ‘Uy! Misis mo.’ Gano’n because it’s a normal thing for us. If people took it seriously ayos lang,” paliwanag ni Chito.

Umaasa naman ang binatang mapapakasalan din niya ang aktres sa takdang panahon.

“Secret ko pa lang ’yun, nasa ulo ko pa lang. Hopefully, we all dream about it. We all hope naman na if we’re in a relationship, ’yun na ang totoo na talaga eh,” pagtatapat ng binata.

Noong isang taon ay nasangkot ang magkasintahan sa kontrobersiya pagkatapos kumalat ang kanilang sex video sa Internet. Ngayon ay nakabangon na raw sina Chito at Neri mula sa eskandalo dahil na rin sa tulong ng kanilang mga mahal sa buhay.

“We are really thankful kasi ’di naman magagawa ’yun without the support of the people eh. We saw who our real friends were. We saw the support of our family more than we were expecting. Alam namin na mahal nila kami but through trials you will see who your real friends are and you will see the importance of family,” pagtatapos ni Chito. Reports from JAMES C. CANTOS 

CESAR MONTANO

CHITO

CHITO MIRANDA

ENRIQUE GIL

JULIA BARRETTO

LIKE JULIA

LIZA SOBERANO

MARA CLARA

NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with