^

PSN Showbiz

Holding hands sa birthday ng aktor: Sarah at Matteo lantaran na ang relasyon; Kris sinita ng sekyu ng ABS-CBN

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Holding hands si­na Sarah Geronimo at Mat­teo Guidicelli nang kan­tahin nila ang All of Me sa 24th birthday party ng aktor sa isang bar/restaurant sa Bo. Kapitolyo, Pasig City.

SCENE : Mahigpit ang mga security guard ng ABS-CBN dahil hinarang nila si Kris Aquino at tinanong kung saan pupunta kamakailan.

SEEN : Natensiyon si Kris Aquino dahil  mahigit sa isang oras na delayed ang flight niya kahapon  patu­ngo sa Singapore. Muntik nang hindi umabot si Kris sa interview niya kay Jamie Foxx, isa sa mga bida ng The Amazing Spiderman 2.

SCENE : Ikinatuwa ni Richard Gu­tier­rez ang muling paglabas kahapon sa TV ng kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati.

Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang mag-perform si Sarah sa TV.

SEEN : Si Son Yung Kuk ng South Korea ang grand winner sa grand finals kahapon ng My Fo­reigNay ng Eat Bulaga.

SCENE: Ngayon ang coronation night ng 2014 Bb. Pilipinas. Marami ang kinakabahan para sa aktres at aspiring beauty queen na si Pia Romero dahil magaganda, matatalino at matatangkad ang kanyang mga kalaban.

First runner up si Pia sa Bb. Pilipinas noong nakaraang taon.

SEEN: Sina Jay-R, Billy Crawford at Kris Lawrence ang mga tumutulong kay Anne Curtis para sa kanyang panibagong solo record album. Umaasa ang fans ni Anne na kakantahin nito sa kanyang AnneKapal concert sa May 16 ang mga composition nina Jay-R, Billy at Kris.

SCENE : Susubukan nina Ryzza Mae Dizon at Jose Manalo na magdrama sa Lenten presentation ng Eat Bulaga. Bit player si Jose sa drama series na Valiente noong 1995 bago siya naging co-host ng Eat Bulaga.

ALL OF ME

AMAZING SPIDERMAN

ANNE CURTIS

BILLY CRAWFORD

EAT BULAGA

JAMIE FOXX

JOSE MANALO

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with