Andi magsasakripisyo ng malaki sa pagtatapos sa serye
MANILA, Philippines - Gagawa ng malaking sakripisyo ang karakter ni Andi Eigenmann sa top-rating afternoon fantaserye ng ABS-CBN na Galema: Anak ni Zuma sa pagharap ni Galema sa pinakamabangis na laban kontra sa kanyang inang si Galela (Sheryl Cruz), na ginawang halimaw ni Zuma (Derick Hubalde). Magagawa bang patayin ni Galema ang kanyang ina o aasa siyang maibabalik niya ito sa katinuan? Paano magtatapos ang paghahasik ng lagim ni Zuma? Kaninong buhay ang manganganib sa sagupaan nina Galema at Galela?
Huwag palampasin ang makamandag na pagtatapos ng Galema: Anak ni Zuma, ngayon, Biyernes (Marso 28), pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa Facebook.com/galemaofficial at Twitter.com/galemaofficial.
- Latest