^

PSN Showbiz

Kim at Kristoffer magwawakas na ang ‘relasyon’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes (Marso 28), saksihan ang pagtatapos ng drama series na pinagbibidahan ng Kapuso teen stars na sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin, ang Paraiso Ko’y Ikaw.

Tutukan ang makapigil-hiningang tagpo sa huling epi­sode ng Paraiso Ko’y Ikaw. Matapos madiskubre ni Edward (Gabby Eigenmann) na si Yvette (Jessa Zaragosa) ang tumulak kay Herminia (Irene Celebre) sa pool, galit na galit na sinugod at kinompronta ni Edward si Yvette.

Matataranta si Yvette, lalo na nang makita niya kung gaano kagalit si Edward. Agad siyang tatakas kasama si Berto (Neil Ryan Sese) at tata­ngayin nila si Josephine (Kim). Pagdating nina Brix (Phytos Ramirez) at Tupe (Kristo­ffer) sa funeral house, makikita na lang nila na tangay na nina Yvette at Berto si Josephine.

Makikisali sa habulan sina Tupe at Brix upang iligtas si Josephine. Mailigtas kaya ni Tupe ang babaeng kanyang pinakamamahal? Maisasakatuparan kaya si Yvette sa kanyang plano laban kay Josephine?

Magtagumpay kaya sila Tupe at Josephine na muling mahanap ang paraiso nila sa piling ng isa’t isa? Abangan ang kuwento sa GMA 7.

BERTO

BRIX

GABBY EIGENMANN

IKAW

IRENE CELEBRE

JESSA ZARAGOSA

PARAISO KO

TUPE

YVETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with