^

PSN Showbiz

Maja at madir ni Gerald nagba-bonding na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nag-bonding na raw ang ina ni Gerald Anderson na si Mommy Evangeline at kasintahan ng aktor na si Maja Salvador. Nagpunta raw ang dalaga sa probinsiya ng aktor sa General Santos City para sa isang show kaya nagkita at nagkasama ang dalawa. Pagpapatunay lamang na magkasundo sina Maja at Mommy Evangeline.

“Wala nga ako do’n no’n eh. Sila lang. Okay naman sila,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Pinabulaanan din ng binata ang napabalitang mas boto raw ang kanyang ina sa dating karelasyon na si Kim Chiu kaysa kay Maja.

“Given na rin po ’yan na gustung-gusto niya si Kim. Si Kim ay napakabait na tao at sobrang naging close at hindi po mababago ’yun. Pero wala naman pong gano’n, siyempre magkaiba naman po,” paliwanag ni Gerald.

Hindi rin daw nanghihimasok ang ina sa re­lasyon nila ni Maja ngayon.

“Okay naman, steady. I’m very happy sob­rang blessed ko na lahat ng parte ng buhay ko is c­oming together. ’Yung nanay ko siguro alam na ng lahat na she’s a strong woman. Napaka-strong niya, so, gano’n lang siya talaga magsa­lita. Hindi naman siya nakikialam,” giit ng binata.

Makisig nagpapaiyak sa teatro

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa telebisyon at pelikula si Makisig Morales. Ngayon ay kasama ang binata sa teleser­yeng Mirabella na nagsimula na noong Lunes. Masayang-masaya si Makisig na nakatrabaho ang bida ng programa na si Julia Barretto.

“Actually, mababait sila talaga. Walang problema lalo na ’pag nasa set. Parang talagang laro lang, halos hindi siya trabaho. Pero ’pag talagang work, work talaga. Hindi puwedeng hindi seryosohin,” bungad ni Makisig.

Nasa kolehiyo na ngayon ang dating batang aktor. Kumukuha siya ng kursong business administration. Abala rin si Makisig sa teatro sa pagganap bilang si Santo Pedro Calungsod na halos walong buwan nang napapanood ngayon sa iba’t ibang lugar.

“Busy ako ngayon sa school, sa teatro kay Pedro Calungsod, mission siya ng Couples for Christ at umikot na siya sa Australia, Dubai, and last weekend of March nasa Meralco Theater naman kami. Marami na rin akong naikutang schools, siguro pang-28 na show na namin. Actually, sa lahat ng play namin halos lahat standing ovation kaya talagang nakakatuwa. Hindi rin naman kami nag-a-acting lang do’n, parang pumapasok talaga sa akin ’yung buhay, nakakalimutan mo lahat eh. Parang iniisip mo na nando’n talaga kayo. Talagang may naiiyak, ang daming nata-touch,” kuwento ni Makisig.

“Musical play ito kaya kumakanta ako. Puro kanta siya halos, konting lines ’tapos song na naman.”            Reports from JAMES C. CANTOS

GENERAL SANTOS CITY

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

MAJA

MAKISIG

MOMMY EVANGELINE

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with