Buhay ni James Reid makulay, pinalaki ng amang Australian
Nakita ko na kahapon ng personal sina James Reid at Nadine Lustre, ang stars ng Diary ng Panget: The Movie ng Viva Films.
Ako na mismo ang magsasabi na hindi magkamukha sina Nadine at Kathryn Bernardo.
Malayung-malayo ang hitsura nila sa isa’t isa. Alam ko ang sinasabi ko dahil bagets pa lang si Kathryn, nakikita ko na siya sa parlor ni Bambbi Fuentes.
At bilang hindi sila magkamukha, huwag na sanang i-bash si Nadine ng fans ni Kathryn.
Hindi naman competitor si Nadine at wala siyang ilusyon na tapatan si Kathryn. Type lang niya na i-share sa mga tao ang kanyang talent.
Cute in person si James. Mukha lang siyang maliit dahil lean ang kanyang katawan. Pero ang tangkad niya in person.
Colorful ang personal life ni James dahil two years old pa lang siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang.
Ang Australian father ni James ang nagpalaki sa kanya. Magkasundo ang ama at ina ni James.
Ang madir ni James ang may gusto na mag-artista ang kanyang anak.
Masuwerte si James dahil contract star siya ng Viva Films. Siguradong maaalagaan siya ng husto ng kumpanya ni Boss Vic del Rosario na hindi ko na nahintay dumating ng Viva office kahapon.
Overwhelmed na overwhelmed sina Nadine at James dahil hindi nila inaasahan na malaki at talagang ginastusan ang kanilang launching movie.
Sobra ang pasasalamat ng dalawa kay Boss Vic dahil sa big break na ibinigay sa kanila.
First movie ni James ang Diary ng Panget at bida na siya agad sa kanyang unang pelikula.
Bawing-bawi ang matagal na paghihintay ni James. Tiyak na maligayang-maligaya ang kanyang mga magulang dahil natupad ang dream nila para sa anak.
Diary ng panget halos 2 million na ang views
Sa social media, balitang mahigit two million na ang nanood ng trailer nito sa YouTube. Sa totoo lang, gulat ako ha? Ibig sabihin, kung manonood lahat nang tumingin ng trailer sa YouTube ng pelikula na palabas na sa April, sigurado akong box-office hit ito.
Dennis pinaghandaan ni Aiai, luwa ang dibdib
Naglagare ako kahapon dahil mula sa interbyu kina James at Nadine, nagpunta ako sa bonggang event ng PEP.
Siyempre, early bird ako kaya nag-win ako ng isang giant wall clock.
Early bird din si AiAi delas Alas na host ng event. Naloka ako sa outfit ni AiAi dahil nagmumura ang kanyang boobs.
Pinaghandaan ni AiAi ang okasyon dahil magkikita sila ni Dennis Trillo na isa sa mga PEP awardee.
Ikukuwento ko sa inyo bukas kung nagkita ang dalawa o luhaan na umuwi si AiAi.
Kahapon din ang presscon ng AnneKapal ang forbidden concert ni Anne Curtis sa May 16.
Ang Discovery Suites ang venue ng bonggang presscon ni Anne.
Nag-trip down memory lane ako nang magpunta ako sa Discovery Suites dahil may naalaala ako na tao. Huwag n’yo nang itanong kung sino. Ayoko ng kontrobersiya ’no?!
Bukas ko na rin ikukuwento sa inyo ang happenings sa presscon ng AnneKapal!
- Latest