Kontrobersiyal na personalidad hindi pinatos ng isa pang kontrobersiyal na personalidad!
Mula mismo sa bibig ng isang controversial figure namin narinig na inalok sa kanya ang current controversial lady pero hindi umano niya ito pinatulan. Kilala ang controversial male figure sa pagiging super yaman at pagkaka-link sa maraming magagandang babae.
Sumama pa nga raw ang controversial lady sa kilalang lugar ng sikat na male figure at ito’y nangyari nung hindi na nai-involve sa malaking kontrobersiya ang kontrobersiyal na babae. Ang kapatid mismo ng controversial male figure ang nagsabi ng pagiging retokada ng babae na in fairness naman ay napakaganda ngayon.
Bernard libreng-libreng pakasalan ang anak ni Erap
Malapit nang magka-apo ang dating actress turned businesswoman na si Laarni Enriquez sa kanÂyang panganay na anak sa dating pangulo at ngaÂyon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap†EsÂtrada na si Jerika Ejercito sa nobyo nito ngayong aktor na si Bernard Palanca, ex-husband ni Meryll Soriano, panganay na anak ng comedian-TV host na si Willie Revillame sa nakatatandang kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano.
Annulled na ang kasal nina Meryll at Bernard kaya libre na silang magpaÂkasal sa kanilang respective new partners kung kanilang nanaisin.
Sa buwan ng Mayo nakatakdang magsilang si Jerika ng kanilang first baby ni Bernard na isang baby boy at may nakahanda nang pangalang Isaiah.
Samantala, going strong pa rin ang relasyon ng nakababatang kapatid ni Jerika na si Jake Ejercito sa young actress na si Andi Eigenmann although walang pag-amin sa magkabilang parte lalo na sa side ng lalaki.
Juday at Ryan nagha-honeymoon sa Japan at New Zealand
Balak umano ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo na i-celebrate ang kanilang ika-limang wedding anniversary sa Japan at sa New Zealand kasama ang kanilang dalawang anak na sina Yohan at Lucho.
Parehong working parents sina Ryan at Juday pero hindi nila pinababaÂyaan ang kanilang obligasyon bilang hands-on parents sa mga bata. They spend quality time with the kids at parati silang may bonding moments with them.
Samantala, sa mga nagbabalak magbakasyon sa Japan, the best time to go there is last week of March or first week of April dahil ito ang panahon ng cherry blossoms at malamig ang panahon dahil springtime.
Personal…
Maraming, maraming salamat sa mga nagpadala ng inspiring text messages about my daughter Aila Marie Reyes na lumabas sa aking column dito sa PSN kahapon most especially kay Manay Ichu Maceda.
- Latest