^

PSN Showbiz

Kris ‘binura’ na ang kumpirmasyon sa relasyon nila ni Herbert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram ang script ng Maratabat, ang indie film written and to be directed by Arlyn dela Cruz na in-offer sa TV host-actress. Gandang-ganda si Kris sa script ng movie na isasali sana sa Barcelona Film Festival. Pero hindi nito natanggap ang offer dahil sa schedule.

Si Derek Ramsay sana ang makakasama ni Kris sa movie at ang aktor din ang tumawag sa kanya para ipaalam ang project. Nakipagkita sina Kris at Boy Abunda kay Arlyn at laki nang panghihinayang na hindi niya matatanggap ang movie.

Samantala, hindi na rin tuloy si Kris sa pagboboses kay Pinky Pusit sa Dyesebel at ang staff na ang nag-decide da­hil hindi raw kaka­yanin ng sche­dule ng TV host-ac­tress if every now and then, mag­bu-voicing ito.

Ang hinihintay ng fans ni Kris ay kumpirmahin kong si Quezon City Mayor Herbert Bautista nga ang boyfriend niya. Ang pinost lang nito sa Instagram ay ang des­cription ng guy na “Very intelligent, hard working, patient, simple, humble, funny, grounded and stable. YES! He is what I’ve been praying for.”

Kaya lang, hindi na mababasa ang post na ito ni Kris dahil deleted na.

Maja aminadong ginagaya lang si Anne

Para ipaalam sa mga nagdududa na ghost singer ang nag-record ng kanyang debut album na Believe, kinanta ng live ni Maja Salvador ang ilang lines ng carrier single ng album na Dahan-Dahan.

Napatunayan ngang may boses si Maja at in-assure na siya ang nag-record ng songs sa eight-track album under Ivory Music & Video. All-Tagalog ang album at kasama ang version ni Maja ng Urong-Sulong ni Regine Velasquez at ang Wala Na Bang Pag-ibig na original ni Jaya.

Kuwento ni Maja, isinama niya ang Wala Na Bang Pag-ibig dahil favorite niya itong kinakanta sa ka­raoke at hindi dahil wala na sila ni Gerald Anderson. 

Sabi nito: “Sa nagmamay-ari ng puso ko nga­yon, salamat dahil hinayaan mo akong maging ako. Salamat sa suporta mo sa akin. Musika ka sa buhay ko. Napatunayan ko na hindi mahirap mangarap. Kapitan mo lang ang pangarap mo. Huwag mong pakawalan. Dahil kung naniniwala ka sa pangarap na ‘yun, maniniwala rin ang Diyos at ibibigay niya ang pangarap mo. Just “BELIEVE”!,” mensahe niya sa kanyang album.

Isa si Gerald sa inspirasyon ni Maja sa kanyang album at big influence naman sa kanya si Anne Curtis. Nang gumawa ng album si Anne at nagkaroon ng successful concert, lalo siyang na-encourage na ituloy ang dream na magka-album.

Marvin aligaga sa rami ng restaurant

Nakakabilib si Marvin Agustin dahil napagsasabay ang pagiging actor at restaurateur at pareho siyang successful. Bago ang interview sa kanya sa bagong restaurant niyang Boqueria sa SM Megamall, may ka-meeting siyang businessman and after the interview, may ka-meeting uli.

May kinalaman siguro ang meeting sa bubuksang Filipino resto na Dekada at sa offer na magbukas siya ng resto sa Boracay. All in all, may 48 restos na ang aktor at mga kasosyo and still growing!

Pero sabi ni Marvin, never niyang iiwan ang acting dahil mahal niya ang showbiz. Kapag gusto niya ang project, gagawa siya ng paraan na magawa ito. In fact, after Obsession, may gagawin siyang show sa TV5 pa rin tungkol sa cooking.

Direk Laurice papatayin na sa serye, magpe-pelikula na lang

Nagulat ang viewers ng Carmela sa episode last Tuesday at mukhang ma­ma­matay ang karakter ni director Laurice Guillen. Sa episode kagabi malalaman kung mamamatay nga si Dra. Fides dahil itinulak ni Amanda (Agot Isidro) sa elevator).

Kung mamamatay man ang karakter ni direk Laurice sa Carmela, baka hini­ngi nito sa production at GMA 7 dahil gagawin nito ang movie sa Star Cinema na pagtatambalan nina Erich Gonzalez at Enchong Dee. Ang hirap nga namang magdirek tapos magti-taping ng three times a week.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALBUM

ANNE CURTIS

BARCELONA FILM FESTIVAL

DAHIL

MAJA

NIYA

SHY

WALA NA BANG PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with