Gerald apat na anak ang gusto, pero pagpapakasal kay Maja malabo pa
MANILA, Philippines - Wala pa sa kamalayan ni Gerald Anderson ang pag-aasawa. As in hindi siya nape-pressure na mag-propose sa girlfriend na si Maja Salvador kahit sunud-sunod ang nagpapakasal ayon sa actor sa interview ng ABS-CBN.com
“Hindi pa namin pinag-uusapan kasi sobrang focused kami sa pamilya namin at sa kung ano ‘yung meron kami ngayon. Hindi pa. Ang dami pa naming goals sa buhay. Pero siyempre one day kasama iyan sa mga paÂngarap na magkapamilya but ‘yun ‘yung mga later dreams ko pa,†sabi niya sa interview.
Pero pina-plano niyang magkaanak pag 30 years old na siya. Apat na anak din ang gusto niya. “I want a big family,†sabi niya pa sa interview.
Vhong normal na uli ang buhay
Back to shooting na rin si Vhong Navarro. Nagso-shooting na sila ng pelikula nila ni Solenn Heussaff na Da Possessed for Star Cinema na dinirek ni Binibining Joyce Bernal. Nasa Showtime na rin siya.
Habang ang nagdemanda sa kanya ng rape na si Roxanne Cabañero, panay pa rin ang pa-interview tungkol sa umano’y nangyari sa kanilang comedian-TV host. Kelan kaya niya mare-realize na nagmumukha siyang kawawa sa mga interview?
Sarah binagayan ng maiksing buhok
Bagay na bagay kay Sarah Geronimo ang maiksi niyang buhok.
Actually, nagkaroon ng kakaibang dating si Sarah nang magpaiksi siya ng hair. Hindi na siya masyadong daring ang hitsura. Bago siya nagpagupit ng buhok ay parang may pagka-daring na ang pino-project ni Sarah.
Fatima Soriano at FR. Jerome Marquez ikakalat ang kamay at diwa ng diyos
Pagaanin ang kalooban at pagnilayan ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga kwento at pagbabahagi ng karanasang nagbibigay-inspirasyon mula sa inspirational speaker at singer na si Fatima Soriano at Fr. Jerome Marquez, SVD tuwing Sabado ng gabi, 10PM sa DZMM Radyo Patrol Sais Trenta at DZMM TeleRadyo.
Opisyal nang bahagi ng DZMM ang 20 taong gulang na si Fatima. Nakilala si Fatima mula pa noong bata siya dahil bagama’t ipinanganak na bulag, hindi ito naging hadlang sa kanya upang ilaganap ang kadakilaan ng Diyos.
“’Yung napakasimpleng concept ng ‘light’ sa ‘Light Moments,’ ibig sabihin magaan at maliwanag para sa mga tao na mabawasan ang bigat sa puso nila at mas maramdaman nila si Lord. It’s something to make them smile o magbibigay ng pag-asa sa kanila, paalala na may Diyos na nagmamahal sa kanila,†pahayag ni Fatima.
“Kung nasaan man sila, gusto naming dalhin ang Diyos sa kanila habang napapalapit namin sila sa Diyos,†dagdag niya.
Dumaan sa matitinding pagsubok si Fatima. Sa edad na siyam, nalagay sa alanganin ang kanyang buhay nang siya’y magkaroon ng end-stage kidney failure, dahilan upang sumailalim siya sa dialysis limang beses sa isang araw.
“Sa rami ng mga pagsubok na napagdaanan ko, doon ko nakikita si Lord – sa sakit, sa hirap. Isang malaking inspirasyon para sa akin ang ipagpatuloy ang ginagawa ko. Nagiging instrumento ako para ipahayag ang pag-ibig, saya, at kapayapaan ni Lord sa mga taong nangangailangan,†sabi niya.
Sa pamamagitan ng Light Moments, gusto namang ipaalala sa mga tagapakinig at manonood ni Fr. Jerome na sa bawat yugto ng buhay ay nararanasan at nakikita ang “kamay at diwa ng Diyos.†Ito umano ang hamon para sa kanila ni Fatima.
“Bilang pari at misyonero, nadarama ko ang pangangailangan ng tao, ang gutom at uhaw para sa salita ng Diyos. Paano namin mailalabas ni Fatima ang mensaheng ‘yun ay ang palagi naming palaisipan. At ‘yun ang hahanapin namin at ibibigay namin sa programa na tutugma ‘dun sa hinahanap ng tao.†sabi ni Fr. Jerome.
Inamin ni Fr. Jerome, isang Canon lawyer at ang parish priest Sacred Heart of Jesus Parish, na kahit isa man siyang pari ay patuloy pa ring sinusubok ang pananampalataya niya sa araw-araw.
“I lived for three years sa Smokey Mountain, nagtayo kami ng foundation para sa mga hindi nakapagtapos. Siguro ang mga karanasan ko sa pamumuno sa mga pamayanan, sa kanila ang hirap ipagkaloob ang edukasyon, ang pananampalataya, at ang salita ng Diyos. Sila ang nagbibigay inspirasyon sa akin,†aniya.
- Latest