Carla sa relasyon nila ni Geoff: ‘Okay naman kami’
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Kapuso star Carla Abellana ang mga ulat na hiwalay na sila ng nobyong si Geof Eigenmann.
Kumalat ang balitang nag-break na ang dalawa matapos aminin ni Carla na may pinagdadaanan sila ng kanyang nobyo.
Bukod dito ay nabigyan din ng meaning ang hindi pagbanggit ni Carla ng pangalan ni Geoff matapos siyang manalo bilang best actress para sa kanyang soap opera na “My Husband’s Lover†sa 5th Golden Screen TV Awards.
Kaugnay na balita: Carla at Geoff confirmed na hiwalay na
"Geoff has been part of my life, my career since the beginning. Kahit hindi ko man siya nabanggit, alam niyang part siya nito, part siya ng success ko," banggit ni Carla.
"Hindi po. Normal lang naman na magkaroon kayo ng problema sa isang relationship, di ba? Normal lang naman na may pagdadaanan kayo," sagot ni Carla sa tanong kung hiwalay na ba talaga sila.
Aniya may mga bagay lamang silang kailangan ayusin pero nalalampasan naman nila ito.
"Okay naman, okay naman kami. Syempre may mga kailangan ayusin at plantsahin, pero nakakaraos every day."
Samantala, naniniwala rin si Carla na hindi totoo ang naiisyu sa kanyang boyfriend at sa dating kaparehang si Kylie Padilla.
“Ako, honesty, being the girlfriend of Geoff Eigenmann and knowing him for the past four, five years, alam ko deep in my heart na walang katotohanan kung ano man yung iniisip ng iba o kung ano yung lumalabas,†pagtatanggol ni Carla.
- Latest