ABS-CBN grand slam sa iba’t ibang student awards
MANILA, Philippines - Grand slam sa puso ng mga estudyante at guro ang ABS-CBN matapos hakutin ng network ang best TV station awards mula sa iba’t ibang student award-giving bodies at nag-uwi ng kabuuang 107 parangal sa pinagsama mga kategorya nito sa radyo at telebisyon.
Tinanghal na best TV station ang ABS-CBN sa 8th Gandingan: UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB); 10th USTv Students Choice Awards ng University of Santo Tomas (UST); unang Paragala Central Luzon Media Awards ng Holy Angel University; unang Mabini Media Awards ng Polytechnic University of the PhiÂlippines (PUP); at 12th Gawad TANGLAW na binubuo ng mga eskuwelahan tulad ng Jose Rizal University, Philippine Women’s University, University of Perpetual Help System, Colegio de San Juan de Letran, at iba pa.
Bukod sa parangal bilang most development-oriented TV station, kinilala rin ng UPLB ang Kapamilya AM at FM radio stations na DZMM at MOR 101.9 bilang best AM and FM stations. Nakakuha ang ABS-CBN ng 21 parangal, kontra 19 ng GMA, mula sa Gandingan na taunang kumikilala sa mga programa at personalidad na nagtataguyod ng mga isyung pang-kaunlaran.
Sa kabilang dako, iginawad naman ng UST sa ABS-CBN ang nagbabalik nitong parangal na Student Leader’s Choice of TV Network sa ika-sampung taon nila ng pagbibigay pugay sa mga programa at personalidad na nagsusulong ng Thomasian vaÂlues. Pinakapinarangalang muli ang ABS-CBN na may 16 USTv awards kumpara sa walo na nakuha ng GMA.
- Latest