Muntik mabulag sa freak accident Lance makaka-dalawang operasyon sa mukha pero trainer at gym walang balak idemanda
Grabe ang nangyaring freak accident kay Lance Raymundo habang nagwo-workout sa gym. Habang nakahiga at hinihintay ang 80-lbs. barbell na ibibigay dapat ng kanyang trainer, nabitawan ng trainer ang dumbbell at bumagsak sa mukha ni Lance.
Sa nabasa namin, multiple fractures ang inabot ng middle face ng actor-siÂnger at naapektuhan din ang orbital socket ng kanyang mga mata. Ito ’yung caÂsing ng eyeballs at suwerte pa rin si Lance dahil hindi siya mabubulag pero half an inch na lang daw mula sa nabagsakan ng barbell at baka nabulag siya.
Team ng neurosurgeon, eye specialist, at EENT doctors ang nag-aalaga kay Lance sa hospital (hindi sinabi kung saang hospital). Na-assure siya ng mga doktor na hindi maapektuhan ang mukha niya pagkatapos ng two major surgeÂries.
Ang unang operasyon ay gagawin bukas at ang next surgery ay gagawin sa kanya one month after his first surgery. Walang balak idemanda ni Lance ang trainer niya at gym dahil aksidente ang nangyari pero sana ay nag-ingat naman ang trainer. ’Kaloka!
Nagpasalamat si Lance and I’m sure, pati ang paÂrents nito at kapatid na si Rannie Raymundo sa mga tao sa gym na tumulong. Mabuti raw at may nurse na nagwo-workout din sa gym that time at, gamit ang kotse ni Lance, isinugod siya sa emergency room ng ospital.
Dennis nagpasalamat sa beking role
Galing sa three-day surfing sa Baler, Quezon si DenniÂs Trillo kaya namumula nang dumalo sa 5th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press o ENPRESS. Tinanggap nito ang trophy sa napanalunang Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series para sa My Husband’s Lover.
Sa Instagram account nito, pinoste ni Dennis ang trophy at ang papel kung saan nakasulat ang result at may caption na “Award ni Eric†(karakter niya). Bukod sa GMA 7, pinasalamatan nito ang kanyang fans. Sa Teatrino venue, after interbyuhin ng press, nilapitan nito at kinausap ang fans niya na dumating.
Kabilang pa sa pinasalamatan ni Dennis ay ang manager na si Popoy CÂaritativo at ang aktor na si Tom Rodriguez, co-star niya sa beki-serye. Wala raw silang rivalry at malaking bagay na kasama niya si Tom.
Sabi ni Dennis, habang wala pa siyang soap sa GMA 7, magre-regional show muna siya at iikutin ang bansa para ma-meet ang Kapuso fans niya. In between, the regional show, gagawin niya ang movie sa Regal Entertainment, Inc. at Cinemalaya Independent Film Festival.
Siya ang bida ni Direk Mike Tuviera sa The Janitor, entry nito sa Director’s Showcase sa 2014 Cinemalaya. Pina-finalize na ang ibang cast at saka sisimulan ang shooting. Excited si Dennis sa pagbabalik niya sa Cinemalaya na ang huli ay noong 2012 nang gawin ang Ang Katiwala directed by Aloy Adlawan.
Beauty napadasal bago sumabak sa trabaho
Ang young cast lang ng Moon of Desire ang present sa presscon ng sexy drama ng ABS-CBN na airing na ngayong araw kaya wala sina Perla Bautista, Lara Quigaman, at Carmi Martin. Hindi tuloy nila naikuwento ang kanilang role. Sigurado namang masaya sila sa partisipasyon nila sa series.
Kasama sa cast si Beauty Gonzales na gaya sa presscon ng Star Cinema movie na Starting Over Again ay dumating na panggulat ang damit. Hindi lang napansin ng press ang suot nito dahil focused kina JC de Vera, Ellen Adarna, at Meg Imperial ang tanong.
Ngumiti si Beauty sa introduction sa kanya na “pambansang best friend†dahil ito ang role niya sa kanyang mga project. Say ng aktres, dito sa Moon of Desire, nagdasal muna siya bago niya ginawa ang trabaho (sexy scene siguro) dahil kinabahan siya pero may tiwala na siya sa kanyang body.
- Latest