^

PSN Showbiz

Anne abala sa sky diving

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Halos sunud-sunod ang nangyayaring mga ka­alan at engagement ngayon sa showbiz. Pagkatapos magpakasal nina Iya Villania at Drew Arellano kamakailan ay sina Karylle at Yael Yuzon na­an ang nagpakasal kahapon. Pinag-usapan din ang engagement nina Yeng Constantino at Victor Asun­cion, Bianca Gonzalez at JC Intal. Ngayon ay marami ang nagtatanong kay Anne Curtis kung malapit na ba siyang sumunod sa mga kaibigan na bagong kasal.

Matagal na ring kasing karelasyon ng aktres si Erwan Heussaff. “Hindi naman ako pupunta sa re­­­lasyon kung hindi naman doon papunta. Pero si­yem­­pre nakaka-pressure naman sa lalaki ‘yon. Kaya hindi naman pinag-uusapan,” pagtatapat ni Anne.

Mayroon pa raw ibang pinagkakaabalahan katulad ng sky diving ang dalaga at mayroon pa siyang planong gawin bago siya lumagay sa tahimik. “Kasi ‘yung mga ‘yun, hindi mo na pwedeng gawin kasi may pamilya ka na at asawa na maiiwan. At mag-one trip with my girlfriends bago ikasal,” dagdag ni Anne.

Samantala, noong Lunes ay nagsimula na sa Primetime Bida ang teleseryeng Dyesebel na pi­nag­bibidahan ng aktres. Ayon kay Anne ay isa itong na­pakalaking karangalan dahil ibi­nigay ito ng Ka­pamilya network sa kanya. “Ang maganda nga kasi eh nabibilang mo pa sa kamay kung sino ‘yung mga gu­manap bilang Dyesebel. Lahat sila may kanya-kanyang binigay eh. Ito lang ang Dyesebel na hindi maganda ang boses,” natatawang pahayag ng aktres.

Ellen, yagit ang tingin sa sarili

Baguhan pa lamang si Ellen Adarna sa Kapa­milya network pero magbibida na ang dalaga sa teleseryeng Moon of Desire na magsisimula sa March 31.

Masayang-masaya ang sexy actress dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng ABS-CBN. “So far, so good. It’s been amazing dahil iba pala ‘yung audience ng Kapamilya and people know you all of a sudden. It’s been really great,” bungad ni Ellen. Para sa dalaga ay hindi siya sumasang-ayon sa sinasabi ng karamihan na isa siyang sex symbol dahil marami rin daw siyang insecurities sa katawan. “I’m not sexy at all. When I go home and I’m with my boyfriend, I don’t pose, I’m very yagit. I’m not very sexy. I don’t know if I want to be a sex symbol. It’s flattering to know that people think I’m sexy but it’s really my dream or my goal,” paliwanag ni Ellen.

Aminado rin ang aktres na nagpagawa siya ng dibdib para mas gumanda ang hubog ng kanyang katawan at wala naman daw siyang nakikitang masama rito. “If you think you’re ready and you think that it would make you feel good about yourself or more confident, and if you have the means, then why not? Go for it. It’s really up to you kasi me, I’m very happy with what I had done,” giit ng dalaga.

Kasama ni Ellen sa nasabing bagong soap opera sa Kapamilya Gold time block sina Meg Imperial, JC De Vera, Dawn Jimenez, Dominic   Roque, at Miko Raval. -Reports from JAMES C. CANTOS

  

ANNE CURTIS

BIANCA GONZALEZ

DAWN JIMENEZ

DE VERA

DREW ARELLANO

DYESEBEL

ELLEN ADARNA

ERWAN HEUSSAFF

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with