Kasal ni Karylle ipapasilip ngayong Sabado
MANILA, Philippines - Kasing init ng summer ang tindi ng sagupaan ng 12 finalists ng Stars on 45 sa grand finals nito ngayong Sabado (March 22) sa numero unong noontime program sa bansa, ang It’s Showtime.
Huling pagkakataon na nilang magpaÂkitang gilas sa pag-awit ng mga luma at usong kanta upang pabilibin ang mga huÂraÂdong sina KZ Tandingan, Sweet Plantado, at Moy Ortiz ng The CompaÂny, composer na si Louie Ocampo, Randy Santiago, at Gary Valenciano.
Sino ang pinaka-may ibubuga para maÂkuha ang grand prize na P300,000? Sino ang may asim pa pagdating sa pang-aaliw sa madlang people?
Bukod sa pamimili ng unang Stars on 45 grand winner, masisilip din sa SaÂbaÂdo ang kasal ng host na si Karylle sa pamamagitan ng videos na kukunin misÂmo ng 11 hosts sa kani-kanilang cell phones.
Manatiling manood ng It’s Showtime, 12:30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes at 12 n.n. tuwing Sabado sa ABS-CBN.
Para sa exclusive photos at videos, bisitahin ang official website ng It’s Showtime na itsshowtime.abs-cbn.com.
- Latest